Anne Curtis at Gerald Anderson, click ang loveteam sa serye

ADVERTISING

Anne Curtis at Gerald Anderson, click ang loveteam sa serye

Gerald-Anderson-Anne-Curtis ABA, MERON nang “Fredobel” mania, huh! Hahahaha! Pinagsamang Fredo at Dyesebel na ginagampanan nina Gerald Anderson at Anne Curtis. Me nabuo nang loveteam ang dalawa, kaya hindi na kami magtataka pa kung magkakaroon sila ng pelikula.

Why not, Star Cinema and Viva Films, ‘di ba?

Anyway, kung gusto n’yo namang malaman kung kumusta sila sa set ay sa eksena lang naman sweet ang dalawa. Dahil pagkatapos ng scene, balik na sila sa kani-kaniyang tent.

Alam naman nating lahat na may Maja Salvador na si Gerald at si Anne naman ay may Erwann Heusaff, kaya ‘wag na nating ipilit.  (Kasama na ako sa nagpipilit, hahahaha!)

ADVERTISING

Pero me chemistry sila, in fairness, ‘no?

Kaya hindi na kami magtataka kung magkaka-movie sila.

At ‘eto na naman ako.  Baka naman me role na bading diyan, join na rin ako, ha?

 

Huwag n’yong kalilimutang makinig at manood sa DZMM teleradyo this Saturday, 9-10pm Manila time para sa showbiz program namin ni MJ Felipe, ang “OMJ” na mapapanood sa SkyCable 26 at Destiny Cable 25 at puwede n’yo rin kaming mapakinggan sa http://www.dzmm.com.ph.

Nandiyan din ang aming showbiz online chikahan tuwing Linggo naman, 2-3pm (Manila time) sa The Buzz 15.  Just log on sa http://www.tfc.tv at puwede na rin kayong magpabati at mag-comment, okay?

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING