Anne Curtis, gasgas na gasgas ang linya kay Sam Milby!

ADVERTISING

Anne Curtis, gasgas na gasgas ang linya kay Sam Milby!Anne Curtis, gasgas na gasgas ang linya kay Sam Milby!SA PAMAMAGITAN NG kanyang sariling website, naibenta ng isang photographer na nagngangalang Didang Alvares ang kanyang serbisyo. Nakakakuha siya ng mga kliyente para sa kanyang trabaho.

May bagong kliyente naman si Didang noong January 31 at February 7. Dalawang mahalagang pangyayari sa buhay ng isang pamilya – isang dedication at isang birthday party ng isang seven year-old boy.

ADVERTISING

Ano’ng petsa na ngayon? Hindi pa diumano naide-deliver ni Didang ang mga kinunan niya para sa serbisyong binayaran sa kanya nang buo sa dalawang pagkakataon. Nakausap naman siya ng kliyente niya at sinabi niyang naipadala na niya ang mga larawan sa pamamagitan ng isang courier service. Hindi agad naitanong ng kanyang kliyente ang tracking number para sa nasabing delivery. Nang tinatawagan na siya sa dalawang cell phone numbers niya, naka-off na ito at hindi na siya ma-reach as of this writing.

Ang nagrereklamo ay si Ruth Manad. Pamangkin siya ng isang kaibigan ko. Si Didang, diumano ay anak ng pawang mahuhusay na singers at stage actors na sina Robert Sena at Isay Alvarez. Kaya idinidirekta namin sa mag-asawa ang pananawagan at baka-sakaling alam nila ang whereabouts ng anak nilang photographer na bayad na ang serbisyo, pero wala pa ang produkto. May film naman siguro nang kumuha. Or else, magagalit si Mona Patubo!

FOR THE NTH time, narinig na naman namin ang mga katagang ‘what you see is what you get’ sa dating magka-relasyong Anne Curtis at Sam Milby, na magsasama sa pelikula sa Babe, I Love You na joint project ng Star Cinema Productions at Viva Films.

ADVERTISING

Hindi makatakas ang dalawa sa katatanong ng press kung nasaang level ba uli ang pagmamabutihan nila sa ngayon. Kasi nga, panay ang say ni Sam na Anne will always and forever have a very special place in his heart. Kahit pa dumating ang puntong magkaroon na sila ng mga bago nilang mamahalin, at kahit pa raw maipalabas na ang pelikula nila.

They have a language na silang dalawa lang ang nagkakaintindihan. At ang pag-uusap na ‘yon eh, may mga codes pa.

Kung puwede lang magsalita ang naka-curl na mahabang hair ni Anne at ang namumulang mga pisngi ni Sam, tapos na ang usisian.

Nasasabi na kasi ngayon nang tahasan ni Sam kung gaano na kasarap ang lips ni Anne sa kanilang halikan. Ang Anne naman, yummy na yummy sa abs ni Sam.

If that is not…I don’t know what…!

TAMA BA ANG nakarating sa aming balitang kahit na walang dahilan para magbabad ang aktor na si Jericho Rosales sa premises ng ABS-CBN dahil wala naman siyang anumang taping, eh, madalas daw ito sa nasabing network?

Hindi na kaila na ang dinadalaw ni Echo, na madalas na rin naman niyang makasama sa ilang dates tulad ng panonood ng basketball at iba pang aktibidades, eh ang star reporter ng SNN (Showbiz News Ngayon) na si Cesca Litton.

Naisama na kaya ni Echo si Cesca na mag-date sa Chowking?

At dahil nga nasasanay na ang iba na madalas na silang makitang magkasama, nadadagdagan pa ngayon ang mga balita na kundi raw sa bahay ni Cesca may-i-dalaw ang Echo, si Cesca naman ang diumano’y nagbababad sa house ni Echo.

True rin kaya ang balitang napagsabihan si Cesca ng kanyang superiors dahil minsan eh, napapabayaan na nito ang kanyang trabaho?

Aamin na ba ng diretsahan ang dalawa? As in, now na?

The Pillar
by Pilar Mateo

ADVERTISING