Anne Curtis, dinedma ang isang awards night

ADVERTISING

Anne Curtis, dinedma ang isang awards night

Anne-CurtisMAY BALITANG nagtatampo raw si Anne Curtis sa Philippine Entertainment Portal (PEP) dahil sa paglalabas nito ng mga balitang kinasangkutan nila noon nina John Lloyd Cruz at Sam Concepcion kaya hindi siya dumalo sa 1st PEP List Awards na ginanap kamakailan sa Solaire Resort and Casino.

Tatlong awards ang ipagkakaloob sa kanya – ang Razziest (Most Viewed Peparazzi item), Face of the Year at Fab Award. Diumano nagsalita raw si Anne ng, “PEP is annoying.” Pero kahit na nagtampo ang still number one sexiest actress ay naging parehas pa rin ang staff ng PEP. Hindi raw minasama ang diumano sinabi raw ni Anne laban sa PEP at ibinoto pa rin nila si Anne sa nasabing kategorya na kung saan isa siya sa mga nominado.

Tiniyak naman ng Managing Editor ng PEP na makararating kay Anne ang tatlong trophies na napanalunan. Ipadadala raw ito sa opisina ng Viva Films na siyang nangangalaga ng showbiz career ng actress dahil hindi nga ito sumipot sa awards night ng PEP List.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING
ADVERTISING