Anne Curtis, boto sa bagong manliligaw ni Jasmine Curtis-Smith

ADVERTISING
Anne Curtis' Instagram Post
Anne Curtis’ Instagram Post

Halatang boto si Anne Curtis sa bagong manliligaw ng kapatid na si Jasmine Curtis-Smith.

Ayon kay Anne, “Basta kung saan masaya ‘yung baby girl ko, ayaw kong mag-confirm or mag-deny ng anything for her, kasi siya naman ‘yun, e. Basta ako, anything, I’m so happy.”

Kamakailan ay nag-post si Anne Curtis sa kanyang Instagram ng litrato, kung may katabing isang non-showbiz guy si Jasmine Curtis-Smith.

Sa isang interbyu naman kay Jasmine sa isang event, hindi naman niya itinanggi ang panliligaw ng nasabing non-showbiz guy. Pinangalanan ang manlilagaw ni Jasmine na si Jeff Ortega, isang businessman at isang surf instructor sa La Union.

Ayon kay Jasmine, “Well, she (Anne) posted it right in front of me. So, I was like, ‘Oh, okay, pinost niya na. Okay, I guess na-launch na, no going back.'”

ADVERTISING

Masaya raw ngayon si Jasmine sa pagiging malapit nila ni Jeff, at wala umano siyang balak na itago ito sa publiko.

“Whatever comes out as public information, as natural as possible. But now, everyone knows I’m happy,” sabi ni Jasmine.

By Parazzi Boy

ADVERTISING