Anne Curtis, binastos ng Dos sa sariling serye?

ADVERTISING

Anne Curtis, binastos ng Dos sa sariling serye?

Anne-CurtisPARANG BINASTOS na rin ng Dos si Anne Curtis when her nemesis in her sirena serye mouthed a dialogue that is akin to Anne’s line when she lambasted Sam Concepcion in a party.

ADVERTISING

In a scene from her sirenaserye, Andi Eigenmann made taray to the character of Anne and said, “You’re not even classy enough to be with Fredo”.

Hindi ba’t very close ito to the rumored one-liner of Anne kay Sam na “you’re not classy enough to be here”?

Naku, tila pinaglaruan si Anne ng mga writers ng kanyang sirenaserye, ha?

ADVERTISING

 

GOT TO interview Emy Madrigal, the rumored girlfriend of singer Sheryn Regis.

“Officially po talaga, since 2011 na naging kami pero since 2005 may MU kami. 2006 umamin siya na may gusto siya sa akin,” chika ni Emy who added that she met Sheryn through her neice. “Sila ang unang magkakilala.”

Since then, naging malapit na sa isa’t isa ang dalawa, mommy ang tawag ni Sheryn kay Emy. Until they decided to enter into a relationship.

“Inamin talaga niya sa akin (na tomboy siya). Sabi niya, ‘mommy, ganito ako. Nahalata mo ba?’ chika ni Emy.

Since they’re a couple, ibinuhos ni Emy ang pagmamahal kay Sheryn. Give siya ng mga regalo, usually gadgets, sa tuwing magpaparinig si Sheryn. Nang mag-show nga ito sa Dubai recently, she bought tickets para lang manood kay Sheryn kahit na hindi naman siya ang major star kundi si Angeline Quinto. Give din siya ng Rolex, laptop, phone loads amounting to P80,000 kay Sheryn. Pero naramdaman niyang may kahati siya sa singer, isang relative ng asawa ni Sheryn. Nang maghiwalay sila, inamin ito ni Sheryn at nangakong isosoli lahat ng iniregalo ni Emy.

“Ginawa niya akong tanga after how many years. At saka haharapin ko naman siya. Sabi ko nga sa kanya, pareho naman kaming professional. Nu’ng kailangan mo ako nandyan ako kaagad.”

Will Sheryn react on this? Sana. We’re open to any of her reaction.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING