Anne Curtis, binabagyo ng biyaya!

PATULOY NA binabagyo ng biyaya si Anne Curtis. Kauumpisa pa lang ng taon pero sunud-sunod na ang mga naglalakihang projects na nakalinya para sa kanya. Ito ang klase ng bagyo na masayang sasalubungin ni Anne. The beautiful and talented actress, television host, and product endorser has all the reasons to celebrate these days.

Anne just staged her successful concert billed Anne-bisyosa. She filled the Smart Araneta Coliseum with people who excitedly came in droves to watch her perform onstage. Full support sa espesyal na gabing iyon ang kanyang pamilya, mga kaibigan, at ABS-CBN family. Sabi nga ni Vice Ganda ay nagpunta ang mga tao dahil alam nilang mahalaga ang concert para kay Anne.

Hindi napigilan ni Anne na maging emosyonal dahil sa pagmamahal at suportang ibinigay sa kanya. “Walang p’wedeng mag-sabotahe ng evening na ito. My goodness, hindi ko alam ang sasabihin ko pero dreams do really come true,” sabi niya sa concert. Tama ka, Anne. Dreams really come true at binigyan mo ang maraming tao ng pag-asa na balang araw ay matutupad din ang kanilang mga pangarap. All you have to do is believe!

Magkakaroon siya ng world tour na pinamagatang “No Other Woman” that will take her all over the country and other parts of the globe.

Patuloy rin na namamayagpag sa ere ang It’s Showtime na ngayon ay nasa bagong oras na. Mas maraming pakulo, papremyo, at sorpresa ang inihahatid ng programa sa mga manonood.

Anne is excited with her upcoming teleserye titled Kailangan Ko’y Ikaw kung saan niya makakasama sina Kris Aquino at Robin Padilla. “Parang I feel so blessed and humbled na I was given this opportunity, kaya talagang kahit na super segue, kahit gaano kaaga, kahit gaano ka-late pa ito matapos, talagang ka-career-in ko,” sabi niya.

Tiyak na aabangan ang Kailangan Ko’y Ikaw which is a family drama na may halong action and romance. It is directed by Malou Sevilla and Joyce Bernal.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Previous articleKris Aquino, ibinuking si Diether Ocampo!
Next articleDerek Ramsay at Erich Gonzales, babatuhin na naman ng intriga!

No posts to display