Anne Curtis, bagong Dyesebel

ADVERTISING

Anne Curtis, bagong Dyesebel

Anne-CurtisAnne-CurtisSINUSULAT ITO ay si Kim Chiu pa rin ang lumulutang na siyang gaganap sa papel ni Dyesebel. Meron pang ugong na baka sina Jessy Mendiola o Julia Montes. Lumutang pa nga ang pangalan ni Kristine Hermosa bilang pagbabalik daw nito sa telebisyon.

ADVERTISING

Pero ang huling narinig namin ay eto na: si Anne Curtis na ang siyang susunod na Dyesebel.

At kahapon nga ginanap ang story conference at ang official announcement kung sino ang gaganap. Kung ito’y magbabago pa, ‘yun din ang abangan natin.

 

ADVERTISING

NAGKAKAGIRIAN NA naman daw ang mga primetime shows ng ABS-CBN at GMA-7, dahil halos magkakatema ang inaabangang teleserye. Kung me Dyesebel ang Kapamilya, meron namang Kambal Sirena ang Kapuso. Kung may The Legal Wife ang Kapamilya, meron namang Borrowed Wife ang Kapuso.

Isa lang naman ang ibig sabihin niyan, eh. Ang parehong network ay talagang pursigidong bigyan ng magagandang palabas ang televiewers. ‘Yun ‘yon.  Healthy competition naman ‘yan, eh. Mga manonood pa rin ang magde-decide kung alin ang kanilang mas susubaybayan, dahil sila ang may hawak ng remote control.

Unless, meron pa ring de-pihit na TV set ngayon, ha?

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING