Anne Curtis at John Lloyd Cruz, nag-iwasan sa isang event?!

ADVERTISING

Anne Curtis at John Lloyd Cruz, nag-iwasan sa isang event?!

John-Lloyd-Cruz-Anne-CurtisMUNTIK NA nga raw nagkita sa Cherry Mobile event sina Anne Curtis at John Lloyd Cruz last Tuesday night lang, pero tapos nang mag-perform at nakaalis na ang una nang dumating ang huli sa Le Pavillon sa Roxas Blvd., Pasay City.

Tanging nagkita ang host ng event na si JM Rodriguez at Anne na nagtsikahan naman sa stage at nagpa-picture pa. In-upload pa ni JM (na part owner ng Prive Luxury Club sa The Fort, Taguig City, ang pinangyarihan ng umano’y pananampal ng TV host-actress kina John Lloyd, JR Isaac at kaibigan nito, at pananalita nang ‘di maganda kay Phoemela Barranda nu’ng madaling-araw ng Nov. 23 na ang pagpapakilala pa nga raw nito sa It’s Showtime host ay ang kanyang good friend).

Kung sakaling nag-abot man daw sina Anne at JLC, maaaring magpa-picture din silang tatlo ni JM, dahil ayos na naman daw ang lahat ng involved sa insidente matapos mag-apologize sa kanila ang aktres nu’ng araw rin ng Nov. 23. Maging ang aktor daw ay humingi rin daw ng paumanhin kay Anne.

Pero may nagsabi sa amin na malapit kina Anne at John Lloyd na mukhang hindi pa raw talaga nagkakaayos ang dalawa. True kaya ito?

ADVERTISING

Gaano rin kaya katotoo na masama diumano ang loob nina JM at ng mga part owners n’ya sa Prive kay JR, dahil sa paglabas ng issue na na-settle na naman daw bago pa lumabas ito sa publiko?

Truelajet din kaya na maging ang kapatid ni JR na si Raymund Isaac na isang kilalang photographer ay pinagsabihan diumano ito?0

Kapansin-pansin pa rin daw sa mukha ni Anne na may kinakaharap itong problema sa ngayon, ayon sa mga nakakapanood at nakakasama nito sa It’s Showtime.

Franz 2 U
by Francis Simeon

ADVERTISING