ANNE CURTIS AT ERICH GONZALES, MGA ACTION STARS NA!

ADVERTISING

ANNE CURTIS AT ERICH GONZALES, MGA ACTION STARS NA!

ANNE CURTIS AT ERICH GONZALES, MGA ACTION STARS NA!
Erich Gonzales and Anne Curtis

BONGGA ang dalawang akala natin ay fragile actresses sa kasalukuyan dahil keri din pala nina Anne Curtis at Erich Gonzales ang maging action stars na kadalasan ay mga roles lang na napupunta sa mga lalaking artista.

Not with the film Buy Bust ni Direk Erik Matti na first action film ni Anne at ang “We Will Not Die Tonight” ni Direk Richard Somes na bida si Erich Gonzales ay pinatunayan ng dalawang bida na hindi lang sila mga “Ate Girl” ang peg na napapanood natin sa telebisyon kundi keri din nila makipagsabayan sa pagtalon, habulan at mga pangkaraniwang ginagawa ng mga action stars natin.

ANNE CURTIS AT ERICH GONZALES, MGA ACTION STARS NA!
Erich Gonzales in ‘We Will Not Die Tonight’

Sa katunayan, ang dalawang pelikula ay official entry ng Pilipinas para sa New York Asian Film Festival kasama ang apat pa na pelikula tulad ng Neo Manila ni Mikhail Red; On the Job ni Erik Matti; Sid & Aya ni Irene Villamor at Respeto ni Treb Monteras.

ANNE CURTIS AT ERICH GONZALES, MGA ACTION STARS NA!
Anne Curtis

Ang pelikulang Buy Bust ay ipapalabas sa darating na Sunday, July 15 sa SVA Theater at 8:30 ng gabi.

ADVERTISING

Sa August 1 naman ang regular showing ng ”Buy Bust” sa Pilipinas at ang “We Will Not Die Tonight” ay ipapalabas commercially at kasama sa Pista ng Pelikulang Pilipino scheduled on August 15 to 21 sa mga sinehan nationwide.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING