Annabelle Rama, will continue to file suit against PEP

ADVERTISING

Annabelle Rama, will continue to file suit against PEPANO BA ‘YAN?! Ang gulo na ng mga nangyayari ngayon sa showbiz dahil dito sa demandahan nina Annabelle Rama, Wilma Galvante at ang PEP ni Jo-Ann Maglipon.
Tahimik lang si Wilma, nakapag-file na pala ito ng kaso na may worth 7 million pesos damages laban kay Annabelle, at meron pang TRO na hindi raw puwedeng makalapit sa kanya within 50 meters.

Ibig sabihin, hangga’t nasa opisina si Wilma, hindi makakatuntong si Anabelle sa GMA 7, ganu’n?

ADVERTISING

Nu’ng Miyerkules, dumalo si Annabelle sa hearing ng kasong ‘yun dahil kailangang i-raffle uli kung sinong judge ang puwedeng humawak. Nag-inhibit kasi ang judge nito na si Judge Henry Jean-Paul Inting ng Branch 95 ng QC-RTC.

Kaibigan daw ni Judge Inting ang asawa ni Wilma kaya gusto nitong magpapalit ng judge na ni-raffle na yata nila kahapon.

Anyway, matalas pa rin ang mga pahayag ni Bisaya laban kay Wilma, pero siyempre, nasa korte na iyan kaya abangan na lang natin kung ano ang kahihinatnan nito.

ADVERTISING

Ayaw nang magsalita ni Wilma, ang abugado na lang nito ang nagsasalita para ipaliwanag ang naturang kaso.

Abangan na lang natin kung ibibigay ng korte ang TRO na hiniling nila dahil kailangan daw ni Wilma ng proteksiyon kay Anabelle na ilang beses nitong sinasabi sa mga interview niya na pagsasampal-sampalin daw niya ito.

Bukod pa riyan, kung anu-ano pang mga sinasabi nito laban kay Wilma at may mga text messages pang sobrang nakaaapekto raw kay Wilma.
Say naman ni Bisaya, tutuntong daw siya ng GMA 7 kung kailan niya gusto. Hindi naman daw may-ari ng GMA 7 si Wilma, Sinabi naman daw sa kanya ni Atty. Gozon na hindi siya bawal pumunta ng GMA 7. Hindi nga lang daw siya pumupunta du’n ngayon dahil wala naman daw siyang kailangan.

Bukod kay Wilma, may panibagong kaaway na naman si Annabelle dahil kahit nag-apologize na si Jo-Ann Maglipon ng PEP tungkol sa ibinalita nilang nag-away raw sina Richard Gutierrez at Michael Flores sa birthday party ni Direk Mark Reyes, ang gusto pa rin ni Bisaya ay i-retract ni Jo-Ann ang kuwentong ‘yun.

Kaya lang pinanindigan pa rin nina Jo-Ann at ng mga taga-PEP ang kuwentong ‘yun dahil may mga nakakausap daw silang witnesses, hindi sila nag-retract kundi nag-sorry lang sa ginawa nilang pag-upload ng balitang hindi man lang kinumpirma sa mga taong involved.

Hindi raw natuwa si Annabelle sa apology na ‘yun, kaya balak nitong magsampa ng demanda laban sa mga taga-PEP, kung walang retraction na gagawin.

Bukod kay Annabelle, magdedemanda rin daw si Richard kaya nakakalokang demandahan ito sa gitna pa naman ng pagtitika natin sa Semana Santa.

Mukha namang hindi ito uurungan ni Jo-Ann at ng mga taga-PEP kaya subaybayan na lang natin ito.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING