Annabelle Rama, wala nang dahilan para maaburido kay Elvis Gutierrez

ADVERTISING

Annabelle Rama, wala nang dahilan para maaburido kay Elvis Gutierrez

Annabelle Rama and Elvis Gutierrez
Annabelle Rama and Elvis Gutierrez

Wala nang dahilan para “maaburido” si Annabelle Rama sa isa sa kanyang mga anak, si Elvis Gutierrez.

We have yet to validate ‘yung nakarating na kuwento sa amin months ago, our source quoted the feisty showbiz mom to have “angrily” complained about Elvis as lacking sense of drive para magsikap sa sarili sa pamamagitan ng pagtatrabaho.

If true, baka nga nakatulong pa kay Elvis ang words of admonition na ‘yon mula sa kanyang ina dahil at last, Elvis got a part in his brother Richard’s “Ang Panday”. Quite bursting at the seams, Elvis plays Hugo, isang alagad ng kadiliman led by Flavio’s nemesis Lizardo who’s responsible for the disappearance/ abduction of the urban folk who end up holed up sa kanilang kuta.

Comparing the two Gutierrez boys, para sa amin ay mas intense umarte si Elvis. Rebelasyon ang kanyang pagganap which hopefully will open doors for more acting exposures.

ADVERTISING

 

IN LAST week’s “Ismol Family”, naunsiyami ang dapat sana’y plano ni Jingo to celebrate his birthday with Majay. Umeksena na naman kasi ang biyenan nitong si Mama A who commissioned Bobong and Lance to keep Jingo company.

Desperately, sinubukan ng dalawa na “maaksidente”, pero kahit ang attempt na ‘yon para sorpresahin ang birthday boy ay pumalpak. Isa sa mga sorpresang ‘yon ay ang dapat sana’y masayang swimming party for Jingo.

But misfortune of misfortunes, nawalan ng tubig sa bahay nina Jingo kaya kinailangan tuloy nilang manghingi sa mga kapit-bahay to evade embarrassment sa mga bisitang inimbitahan pa mandin nila!

Ang siste, may mga taga-barangay rin doon na nagreklamo sa swimming party na ‘yon.

This Sunday, abangan na naman kung anong klaseng gulo pero masayang kaganapan sa “Ismol Family”. With all the fun in it, mainam na pampatanggal ng heat stress ang mga kabaliwang hatid ng family-oriented sitcom na ito sa GMA.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING