Annabelle Rama, wala na talagang pinipiling lugar sa pakikipag-away

ADVERTISING

Annabelle Rama, wala na talagang pinipiling lugar sa pakikipag-away

Annabelle Rama, wala na talagang pinipiling lugar sa pakikipag-away

NAKALULUNGKOT NA talaga ang nangyayari kay Tita Annabelle Rama sa mga huling kaganapan ng kanyang pakikipag-away sa kung sinu-sinong tao sa showbiz. Marami na kasi ang nauumay sa pakikipagba-ngayan niya kina Amalia Fuentes at Nadia Montenegro, dahil ang sagwa talagang mapapanood mo sila sa telebisyon na nagmumurahan, naglalaitan, nagbabanta sa isa’t isa at kung anu-ano pang ‘di kanais-nais na mga lumalabas sa kanilang mga pananalita.

Oo naman. Tanggap na ng mga taga-showbiz na ganu’n si Tita Annabelle. Na wala siyang inuurungan. Kaya lang, nitong huli na magpang-abot sila ng isang kinaiinisang writer sa burol ng Comedy King na si Mang Dolphy, marami na talaga ang napailing sa hindi magandang pangyayari. Kumbaga, sa dami ng lugar na pupuwede niyang sugurin ang sino mang kaalitan, hindi na niya napigilang du’n pa sa lugar kung saan naroon ang mga nagluluksang tao sa kalungkutan at pagyao ng isang nirerespetong artista, ay hindi talaga napigilan ng mommy ni Ruffa Gutierrez na magpakawala ng kanyang matinding galit.

Kung pang-showbiz lang sana ‘yung lugar, na mapapalampas mo na kahit magtalakan ang mga magkakaaway na artista, ay okey lang. Kaso, ang lugar kung saan naroon ang isang namatay, dapat mayroong paggalang. Nakalulungkot lang talaga, na sa susunod at sa ibang venue at ibang sitwasyon pa magtatalak ang wife ni Tito Eddie Gutierrez, ay hindi na talaga magugulat ang mga taga-showbiz. Kasi nga, kung sa burol ng isang patay ay nagawa niya iyon, baka mas grabe pa ang mga susunod niyang eksena para lang ilabas ang kanyang galit sa kapwa na kinaiinisan niya.

ADVERTISING

 

BLIND ITEM: Maliit lang talaga lagi ang mundo ng mga artista, ganu’n din ng mga manunulat sa showbiz na lagi nilang kahalubilo sa interbyuhan kapag mayroong isyu tungkol sa kanila na dapat isulat sa mga pahayagan. Nagkakalapit din talaga ang kalooban ng mga artista at mga piling manunulat na kanilang nakakagaanan ng loob dahil pupuwede nilang pagtiwalaan ng kanilang mga lihim, at naroon din ang pagtuturingan na magkakaibigan. Pero mayroon din namang nagpaplastikan lang, lalo na kung ang isang artista ay numero unong plastic ang pag-uugali sa likod ng kamera.

Mula sa ilang ulit na panlulupaypay ng kanyang showbiz career, sikat na rin sa ngayon ang actor na si Ronnie Wonder.  Kasi nga, marami na siyang nagawang pelikula dahil nagbibida na siya, ganu’n din naman sa mga teleserye. Maganda ang PR ni Ronnie, dahil malapit sa kanya ang mga manunulat. Madaling tandaan ang kanyang hitsura, dahil bukod sa guwapo na malakas ang sex appeal ay wala naman siyang kamukha sa showbiz.

Nagulat ang isang reporter, dahil mayroon siyang nakilalang isang malihim at medyo may kaya sa buhay na bading. Trip ng nasabing bading, na tumikim sa kama ng mga aktor na tipo niya. Hindi makapaniwala ang bida nating reporter nang minsang dumalaw siya sa tahanan ng friend na bading at sabihin nitong: “Alam mo, may booking kami ngayong gabi ng isang napakaguwapong aktor.” Hindi pa natatapos si bading sa kanyang good news sa bading na reporter, nagulat ang huli, dahil mula sa pintuang nakabukas ay dumating at pumasok ang sikat at guwapong aktor na may booking sa bading. Nagkatinginan ang bading na reporter at ang aktor. Ang bading na reporter ang hindi makatingin nang diretso sa mga mata ng aktor. Sabi ng reporter: “Nalowkah ako. Ako ang napahiya, kasi’y mabait naman si Ronnie Wonder. Kaya lang, nahiya at napaawa ako sa kanya, dahil nga buking ko na bumu-booking pala siya. Hindi ko naman sinasadyang malaman ‘yon!”

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING