Annabelle Rama, umeksena sa isyu ng pagsipol ni Duterte kay GMA reporter Mariz Umali

ADVERTISING

Annabelle Rama, umeksena sa isyu ng pagsipol ni Duterte kay GMA reporter Mariz Umali

Annabelle Rama
Annabelle Rama

Natawa ako sa kuda (read: putak) ni Tita Anabelle Rama tungkol sa isyu ng GMA 7 reporter na si Mariz Umali. Pero personally, isang kabastusan sa akin ang pagsipol ng isang lalaki sa isang babae, kahit ano man ang dahilan o rason ni Duterte.

Pero mas gusto ko ang muling pagiging “kudaera” ni Tita Anabelle Rama na matagal ding nanahimik sa showbiz at tila wala yatang inaaway, except itong “pagsipol” isyu ng paborito niya ngayon na presidenteng inihalal ng Pinoy na si Digong.

Wala mang binabanggit na pangalan kung sino ang tinatalakan niya tungkol sa isyu ng pagsipol ni President-elect Rodrigo Duterte na naging malaking isyu sa social media at sa publiko dahill para sa karamihan (at sa akin) ay isyu ng kabastuhan, si Tita Anabelle ay buhay na naman. Yes, may eksena na naman ang nanay nina Ruffa at Richard Guterrez.

Nakami-miss ang pagkuda ni Tita A na dati-rati’y kung walang istorya sa showbiz, tanungin mo ang opinyon niya sa isang bagay, ang statement niya ay pagpipistahan na kaagad ng showbiz reporters.

ADVERTISING

Panghimagas si Tita A sa mga isyu sa showbiz na walang katorya-torya o ‘di kaya’y mga isyung waley.

Si Tita Anabelle, ang imahe sa showbiz ay kilala blang isang butangerang ina na tagapagtanggol ng kanyang mga anak.

But this time, dahil all out ang suporta niya sa bagong pamahalaan na magpapatakbo sa Pilipinas, heto’t  ang saya lang sundan ang mga kadramahan at agaw-eksena ni Tita Anabelle ngayon na matagal-tagal na rin naming hindi naringgang pumutak.

Mula nang maging aktibo muli ang anak na si Richard Gutierrez sa showbiz sa pagbabalik-showbiz ni Chard via “Ang Panday” sa TV5, nanahimik si Tita A (except sa panaka-nakang away nila ng kanyang panganay na si Ruffa na until now ay ayaw pa rin at hindi tanggap ang  boyfriend nito).

Pero wala pa ako naririnig na kuda ni Tita A sa anak na si Ruffa na tila gustong magkaanak sa boyfriend niyang si Jordan Mouyal, na sa edad ng celebrity host-endorser ng mga beauty products ay hindi pa rin makawala sa nanay niya na very over protective sa kanya.

‘Pag nakita ko si Tita A (the last time ay sa advance preview ng “Ang Panday” sa SM Aura), I will ask her kung oks lang sa kanya na sipulan (na sekswal ang connotation para sa amin) ng cutie boylets ang dalawang apo niya na sina Lorin and Venice ‘pag tuluyan nangnagdalaga.

Hopefully, hind maging bias si Tita Anabelle, huh!

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING