Annabelle Rama, suko na kay John Lloyd Cruz!

Annabelle Rama, suko na kay John Lloyd Cruz!Annabelle Rama, suko na kay John Lloyd Cruz!NAGING MALAKING ISYU ang romansang John Lloyd Cruz at Ruffa Gutierrez na pinag-usapan sa loob at labas ng showbiz. Isa man sa kanila, walang umaming may namumuo na palang relasyon sa kanilang dalawa. Kung hindi pa ibinuking ni Annabelle Rama na nanliligaw si John Lloyd sa kanyang anak na si Ruffa hindi lalabas ang katotohanan.

Nagbitiw pa nga ng salita si Annabelle before, “Dong, magpakalalaki ka, kung talagang gusto mo si Ruffa, panindigan mo!” Si John Lloyd ang naging dahilan ng pag-aaway ng mag-ina na nauwi sa pag-aalsa balutan ni Ruffa.

“Past is past. Sa isang relationship may mga loving moment, may mga moment na hindi kayo nagkakasundo. Ngayon naman magkasundo na kami ni mommy,” masayang wika ni Ruffa.

“’Day, surrender na ang bandera ng Bisaya, ibinaba ko na. Itinataas ko na ang kamay ko, pati paa nakataas na!” Diretsong sabi ni Annabelle. “Kasi, papaano nagpaalam siya sa akin, ‘Ma can I have a dinner with JL (John Lloyd Cruz) with Mr. M (Johnny Manahan) and Ms. Mariole (Alberto)?’ Sabi ko, why? Sabi niya, ‘I just want you to meet him para makita mo namang mabait siya, hindi siya masama.’ Sabi ko, ‘mamamanhikan na ba ‘yan, Ruffa?’” Dugtong pa ni Bisaya.
“Ma, nakaka-stressed ka! Si Mommy naman luto nang luto,” sundot naman ni Ruffa na halata mong tense na tense sa sinabi ng ina. Sabi niya, “I just want you to meet him, kasi hindi mo alam kung sino na naman ‘yung sinisiraan mo, mabait naman ‘yung tao.”

“Nakahanda na ako, maraming questions para sa kanya. That night, nang kumakain na kami, wala na akong naitanong kahit isa. Panay ang bulong mo sa akin (Ruffa), ‘John Lloyd is sick, dahan-dahan ka, Ma.’ Wala siya sa mood ngayon, kawawa naman, may sakit pa siya nakakahiya kay Mr. M. Isa lang ang naitanong ko sa kanya, ‘kayo na ba ni Ruffa?’ ‘Hindi naman Tita, magkaibigan lang,’ sabi ni John Lloyd.’
Well, mukhang this time, nagbago na ang ihip ng hangin. Suko na nga ba si Tita Annabelle kay John Lloyd?

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Annabelle Rama, suko na kay John Lloyd Cruz!