Annabelle Rama sa nanay ni Sarah Lahbati: Tigilan na ang pagpapaawa

ADVERTISING

Annabelle Rama sa nanay ni Sarah Lahbati: Tigilan na ang pagpapaawa

Annabelle-RamaMASYADONG NAHUSGAHAN naman si Tita Annabelle Rama tungkol sa isyu na sinabihan niya ang nanay ng manugang niyang hilaw na si Sarah Lahbati ng, “Magbalot ka na ng tirang pagkain!”

ADVERTISING

Siyempre, nu’ng narinig ito ng mga tao, “Grabe naman si Annabelle makapagsalita.” ‘Yung iba nama’y, “Baket, normal lang naman ang magbalot ng pagkain sa handaan, ha?”

Hanggang sa nag-tweet na si Tita Annabelle na siya ay aliw na aliw sa apong si Zion, kaya du’n na lang daw niya gugugulin ang kanyang panahon. Maging ang kanyang balaeng hilaw ay sinabihan niyang i-enjoy na lang ang apo at ‘wag nang magpaawa.

 

ADVERTISING

‘ETO NGA. Me nakausap kami. Ang sabi sa amin, “Nako, ganyan talaga ‘yang nanay ni Sarah. Libangan niyang apihin ang sarili niya. Nagpapaawa talaga. Buti nga, ‘yan lang ang sinabi ni Tita Annabelle, eh.

“Ewan ko nga kung alam ni Annabelle na si Richard pa ang nagbabayad ng condong nirerentahan ng pamilya rito ni Sarah. Magkano din ‘yun, ah? P30k a month. Pero hindi mo naman siyempre marinig si Richard na ikuwento pa ‘yon.

“Biyenan niya ‘yon, eh. Saka mahal niya si Sarah, kaya lahat, gagawin niya to please his in-laws.

“Kaya alam mo, medyo slight-slight lang ang taray ni Tita Annabelle, alang-alang sa apo niya. Pero sana nga, magising din sa katotohanan ang nanay ni Sarah na tama na ang pagpapaawa. Event ‘yon ng anak niya at apo niya, sana, nakipag-cooperate na lang siya at hindi na nagpapaawa nu’ng binyag.”

Well, siyempre, importante pa ring marinig ang panig ng mga Lahbati kaugnay sa isyung ito.

Pero oo nga naman. Dapat, ‘pag masayang okasyon, ‘wag nang pumunta ang hindi naman happy.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING