Annabelle Rama, pinaaaresto!

ADVERTISING

Annabelle Rama, pinaaaresto!

Annabelle Rama, pinaaaresto!

AKO NGAYON ang kinukulit sa isyung break-up daw nina Vic Sotto at Pauleen Luna. Tinanong lang naman ako kung tingin ko ba magtatagal ang relasyon ng dalawa. Kung meron. Kasi wala namang may umamin sa kanila, ‘di ba?

Kung sakaling nag-break nga, paano naman nila aminin ‘yan?

Kaya nu’ng tinanong ako ni Ricky Lo tungkol diyan, sinagot ko lang na tingin ko hindi talaga magtatagal dahil napakabata pa ni Pauleen at may pagka-bratty pa ‘yan. Kaya mahirap talagang magkasundo sila. Pero bakit naman daw sina Dolphy at Zsa Zsa Padilla? Siyempre, ibang case naman ‘yan, na ewan ko kung puwedeng i-apply ‘yan kina Vic at Pauleen.

ADVERTISING

Tingnan na lang natin, at magkakaalaman din ‘yan.

Mabuti nga at busy ngayon si Pauleen dahil bukod sa Eat Bulaga, may My Daddy Dearest ito na nagti-taping siya every week.

Nag-aaral pa siya ng Culinary Arts, kaya busy siya. Lalo na’t pinaghahandaan din nito ang paglipat nila ng bahay.

 

NAKU, DAY! Hindi pa rin matapus-tapos itong kaso nina Annabelle Rama at Nadia Montenegro.

Wala naman kasi rito si Bisaya, dahil nanood daw ito ng laban ni Pacman sa Amerika.

Meron pala itong arraignment sa kasong Libel na isinampa ni Nadia laban sa kanya, pero hindi nga ito nakasipot. Kaya nagalit daw ang judge, naglabas ito ng warrant of arrest laban kay Annabelle.

Pero may piyansa naman ‘yan kaya puwede namang mag-post ng bail pagdating niya.

Sunud-sunod na nga ang mga hearing nila, dahil pagkatapos du’n sa Libel ni Nadia sa QC-RTC, kinahapunan sa Caloocan City naman sila tumuloy para naman sa Libel case na isinampa ni Boy Asistio laban sa kanya.

Preliminary hearing naman ‘yun na siyempre wala rin doon si Bisaya at abogado lang nito ang sumipot. Hindi pa raw kasi sila nakakuha ng kopya ng complaint affidavit, at doon pa lang nakuha ng abogado niya. Kaya binigyan ito ng isa pang pagkakataon na makapag-submit ng counter-affidavit.

Napagkasunduan nilang sa June 25 nila ito ipasa na kailangang daluhan ni Annabelle para sumpaan niya ito. Nakailang hearing na raw kasi sila na hindi sinisipot ni Bisaya kaya tingin nila, hindi niya ito siniseryoso.

Annabelle Rama, pinaaaresto!

Sabi naman ni Annabelle, matagal pa ang tatakbuhin ng kaso na ‘to kaya dito malalaman kung kaya nilang i-maintain ito.

Mukha ngang magtatagal pa ito, kaya lang sa dami ng mga kasong ito nakakaloka rin. Marami namang abogado si Bisaya kaya kakayanin naman niya ito.

Pero nakakapagod pa rin, kaya bahala na kung sino ang magtatagal dito. Kahit nga ang mga cameraman namin at reporters ay nagsawa na rin sa kasusubaybay. Malalaman din natin kung hanggang kailan ito.

Hay, naku! Good luck na lang!

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING