Annabelle Rama, patung-patong na asunto ang hinaharap!

ADVERTISING

Annabelle Rama, patung-patong na asunto ang hinaharap!

Annabelle Rama, patung-patong na asunto ang hinaharap!

ADVERTISING

HINDI NA matapus-tapos ‘yang mga demandahan na ‘yan sa showbiz, huh!

Ayaw ring paawat ni Amalia Fuentes at panibagong Libel case na naman ang isinampa niya nu’ng kamakalawa ng hapon.

Hindi pa nga matapus-tapos itong demanda ni Nadia Montenegro kay Annabelle, sumabay naman itong si Amalia.

ADVERTISING

Libel case ang isinampa niya laban kay Annabelle at pati si Bianca Gonzalez ay dinamay niya rin dahil sa sinulat daw nito sa column niya. Naku! Hindi ko nga alam kung saan nagsulat itong si Bianca.

Pero ayaw talaga nilang tigilan si Bisaya na tahimik muna ngayon kasi ang alam ko nasa Amerika pa ito.

Hindi ko knows kung ano naman ang balak nina Nadia dahil may warrant of arrest na nga sila na inisyu ng judge sa QC-RTC sa ‘di pagsipot sa arraignment ng Libel case na isinampa sa kanya ni Nadia. Hindi kaya inaabangan nila sa airport pagbalik para ipaaresto nila ito?

Kaya halatang irita si Bisaya sa  kanyang inilabas sa kanyang Twitter account na hindi naman daw siya kriminal para ganunin siya.

Sabi sa Twitter nito: “Ikaw ngayon tuturuan ko ng leksyon sa pagkasinungaling mo! Puro imbento ang mga sinasabi mo. Napakatanga mo dai!

“Malinis ang konsensya ko. Di ako criminal, at di ako pumapatay ng lechonin na baboy masama yun.”

Nakakaloka! Abangan na lang natin kung ano naman ang isasagot ni Annabelle dito naman kay Amalia.

 

TULUY-TULOY RIN itong kasuhan nina Mon Tulfo at ang mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto.

Nu’ng kamakalawa rin ay nagkaroon ng preliminary hearing ng kasong Physical Injuries at Grave Coercion na isinampa ni Mon laban sa mag-asawang Santiago.

Ang sabi raw ng abogado nila, pinapa-elevate na raw nila ang kasong Physical Injuries sa Attempted Homicide.

Tingnan na lang natin kung ano ang desisyon ng fiscal dito.

Abangan ‘nyo ‘yan sa Startalk bukas dahil may kuwento kami tungkol diyan.

Ang sabi pa ni Mon, gusto raw niyang ipakulong sina Raymart at Claudine dahil sa pananakit at kahihiyang inabot niya sa gulong ‘yun.

Hindi pa nagsasalita ang mag-asawa tungkol dito, pero tuluy-tuloy pa rin ang kaso nila, at tiyak na meron din silang pinaghahandaan laban kay Mon at pati sa mga kapatid nito.

Hay, naku! Ang gulo na, huh!

 

TOUCHED NAMAN ako sa mag-asawang Mayor Strike Revilla at Chaye Cabal-Revilla dahil sa amin sila sumama nu’ng nakaraang Martes na kung saan sinelebreyt nila ang kanilang first wedding anniversary.

Sa mga ‘di pa nakaaalam, si Chaye ang First Vice President ng PLDT at siya ang pinakamalapit na assistant ni Manny V. Pangilinan.

Siyempre ang dami naming napag-usapan nu’ng nagpa-lunch sa amin sa Anabel’s Restaurant pero hindi pa puwedeng ikuwento o isulat dahil alam n’yo naman ang mainit na isyung pinag-uusapan ngayon.

Isa na nga rito ang isyung bilihan ng TV5 sa GMA-7, na wala pang nagkumpirma. May mga nakakarating na kuwento pero wala pa talagang kumpirmasyon kaya abangan na lang natin bago matapos ang taong ito.

Mas pinag-usapan na lang namin doon ang nalalapit na plebisito ng Bacoor sa June 23 para makuha ang cityhood nito.

Pinaghahandaan na rin ni Mayor Strike kasama si Congresswoman Lani Mercado siyempre ang Bakood Festival na gagawin nila sa Bacoor sa September.

‘Yun na!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING