Annabelle Rama, palamunin lang daw ni Ruffa Gutierrez ang BF

Annabelle-RamaMASAYA SI Anabelle Rama na maraming sumusubaybay sa season 3 ng It Take Gutz To Be A Gutierrez. Napapanood ito sa TFC (The Filipino Channel), sa Channel 57 ng Sky Cable, Channel 25 ng Cignal, and Channel 33 ng Cable Link, every Monday, 9 pm.

Siya ang madalas na inaabangan ng mga tagasubaybay ng reality show ng kanilang pamilya. ‘Yong kanyang pagtataray, mga nakatutuwa at nakatatawang unguarded moments niya, pati na ang away-bati nilang relasyon ni Ruffa Gutierrez bilang mag-ina. Kumusta sila ni Ruffa ngayon?

“Parang okey naman kami ngayon. Kasi… kawawa naman, anak ko rin ‘yan, e. Pero kaso nga, matigas ang ulo. Ikaw rin, alam mo ‘yan since That’s Entertainment days pa… ayoko ‘yong lalaki para sa kanya pero siya naman matigas ang ulo. ‘Pag ayaw ko, siya naman ang may gusto. Remember?”

Hayagan pa ring sinasabi niya na hindi talaga niya tanggap ang relasyon ni Ruffa kay Jordan Mouyal.

“Kaya lagi kaming nag-aaway ni Ruffa, e. Ang ginagawa niya para hindi kami mag-away, iniiiwas niya sa akin lagi si Jordan. Hindi ko talaga gustong idini-display niya sa harapan ko. Naiinis nga ako, ‘di ba? Ang gusto kong lalaki ay ‘yong nakikita kong totoong nagmamahal sa kanya at sa mga anak niya. At saka… hindi naman din puwede na siya lang ang mamahalin, e.

“Ay, hindi ako naniwala na mahal ni Jordan si Ruffa! Ginagamit lang niya si Ruffa siyempre. Gamit na… para makatira siya na libre rito (sa Pilipinas). Kain libre, tira libre, lahat libre. Ang ibig kong sabihin… siyempre pakakainin ni Ruffa ‘yan. Ano bang trabaho niya? Wala namang trabaho ‘yan.”

E, ‘di ba businessman daw si Jordan?

“He’s only 28 years old. Kung may trabaho man siya, para lang siguro sa sarili niya ang perang kikitain niya. Hindi para kay Ruffa. O sa dalawang anak ni Ruffa. E, bakit kailangan pa ng ganyang klaseng lalaki? Puwede naman siyang kumuha ng matinong lalaki na may sariling trabaho, may career na sarili niya, mga ganyan ba?”

Oo nga naman.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

Previous articleSylvia Sanchez, ‘di raw stage mother sa mga anak na sina Arjo Atayde at Ria Atayde
Next articleJennylyn Mercado, aminadong ‘di marunong mag-judge

No posts to display