Annabelle Rama, maraming bala laban sa ina ni Sarah Lahbati

ADVERTISING

Annabelle Rama, maraming bala laban sa ina ni Sarah Lahbati

Annabelle-RamaIMBES NA maayos ay mukhang lalo pang gumulo ang alitan sa pagitan nila Annabelle Rama at Mrs. Esther Lahbati, ina ni Sarah Lahbati. Nagsimula ang lahat nang mag-post sa Instagram account niya si Mrs. Lahbati ng mga hinaing niya dahil sa pambabale-wala sa kanila sa nakaraang dedication cum 1st birthday ng apong si Baby Zion. Sinagot din ito ni Annabelle sa kanyang Instagram na dapat ay mag-move on, kalimutan na ang nakaraan at alagaan na lang ang apo na si Baby Zion na hindi man pangalanan ni Annabelle ang pinatutungkulan ay halatado namang si Mrs. Lahbati ang pinatatamaan nito.

Nitong mga nakaraang araw ay sunud-sunod na nag-post muli sa kanyang Instagram account si Mrs. Lahbati ng mga kuha ng larawan nila ni Baby Zion, kung saan nag-caption pa ito na biniyahe niya ang apo mula Switzerland hanggang Los Angeles na silang dalawa lang, pero ngayon ay bale-wala na lang siya.

May pasaring din si Mrs. Lahbati na hindi naman kasi ito mailabas dati kung kaya’t nasa kanya lang ang apo. Ito ay nu’ng panahon na ‘di pa maamin nina Sarah at Richard ang tungkol kay Baby Zion at tikom pa rin ang bibig ng mga Gutirrez tungkol sa bata.

Agad din namang sumagot si Annabelle  sa interview sa kanya ng Pep tungkol sa mga posts ni Mrs. Lahbati. Ayon dito, huwag maghintay ng sorry sa kanya si Mrs. Lahbati, dahil hinding-hindi nito maririnig ang nasabing salita na manggagaling sa kanya.

ADVERTISING

Ikinuwento rin ng matapang na ina nina Richard na ‘di niya naisip na naramdaman nito na na-out of place ito, gayong nakita naman niya na masaya itong nagpapa-picture sa party. Hindi rin pumasok sa isip nila na masama ang loob nito nang sabihan na magbalot ito ng pagkain sa catering na kahit siya ay normal niyang ginagawa sa handaan. Tumuloy pa si Mrs. Lahbati sa bahay ni Richard, sabay-sabay silang nanood ng It Takes Gutz To Be Gutierrez at nakikain pa dahil maraming inorder na pagkain si Ruffa.

Para kay Annabelle, uhaw sa publicity ang ina ni Sarah at dapat ay tumigil na ito dahil ‘pag ‘di siya nakapagpigil ay ipo-post niya sa Instagram kung ano ang laman ng tinext niya kay Mrs. Lahbati. Dito ay pinagtapat din ni Annabelle na minsan ay tumatawag sa kanya si Sarah na umiiyak at nagsasabi sa kanya na sinisisi siya ng ina kung bakit siya nagpabuntis.

Sa nakikita namin, mukhang lalo pang lumalala ang sitwasyon at walang mauuna talagang makipagbati kila Annabelle at Mrs. Esther Lahbati.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING