Annabelle Rama, dumarami ang kaaway!

ADVERTISING

Annabelle Rama, dumarami ang kaaway!

Annabelle Rama, dumarami ang kaaway!OLA CHIKKA now na! More chikka, more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka ng yours truly!

Maloloka ka talaga sa Earth sa awayang Annabelle Rama at Amalia Fuentes, dahil patok na patok sa takilya ang dalawa. Kaya ang nakakalokang eksena rito, kahit itong kaibigan kong si Chito Alcid ay nakaaway nitong si Annabelle na parang wala na rin talagang pinipiling kaaway. Kung anu-ano ang nagiging eksena niya at kung sinu-sino  ang nakakaaway niya?

Kaya lang, hindi ko rin lubos na maisip kung ano ang pinagmulan ng mga eksena nila, dahil nabanggit nga nitong si Chito na binibigyan siya ng datung nito, at kapag kumakain siya sa labas ay paysung naman agad ang mag-asawa. Ano naman kaya ang matinding dahilan at galit na galit siya ngayon kay Annabelle?

Naku, sobrang dumarami na ang nakakalaban ni Annabelle! Dapat talagang malaman niya ngayon na marami na ang nakakalaban niya. Meron ding lumabas na isyu na kaya pinatulan na rin ni Amalia si Annabelle ay para tumigil na raw ang masamang tao sa showbiz industry.

ADVERTISING

Meron ding isyu na hindi naman porke’t nakasuot ng pulang damit si Annabelle kung kaya’t pinagtabuyan siya ni Amalia noong misa nito para sa yumaong estranged husband na si Joey Stevens noong April 3, 2012. Hindi raw isyu kung pula o orange man ang kulay ng kasuotan.

Talaga raw hindi nagustuhan ni Amalia ang pagtungo ni Annabelle, at ayon kay Amalia, hindi naman ito kaibigan ni Joey. Umeeksena lang si Annabelle at may gustong patunayan. Noong April 1 and 2, maraming kabastusang tweet diumano si Annabelle about her, na pati ang anak nitong si Liezel ay napaiyak at nagalit.

Noong March 31 ng gabi kasi ay nag-dinner sa isang restaurant sina Annabelle at Eddie Gutierrez somewhere at The Fort. Nagkataong naroon si Gloria Diaz. Tinawagan ni Gloria si Amalia at nabanggit na naroon sa restaurant sina Eddie at Annabelle. Sabi ni Amalia kay Gloria, kakausapin niya si Eddie. Kasi kapag tinatawagan daw niya ay hindi ito sumasagot. Kaya lumapit si Gloria sa table nina Annabelle at Eddie at nagkausap nga sa cellphone sina Amalia at Eddie. Muhlach pa nga ang tawag ni Eddie sa former movie queen. Hindi nagustuhan ni Rama ang ginawang ‘yun ni Gloria. Nagkausap sina Eddie at Amalia at gusto nga sanang makausap ni Fuentes si Rama para maayos ang kung anumang isyu. Nang ibinigay ni Eddie ang cellphone sa asawa, tinanong pa raw ni Rama kung sino ito? Sumagot ang tumawag: “Si Amalia!” Sabay pindot daw ni Rama ng phone. Naku, ‘teh, matagal na pala silang nagkakainitan, ngayon lang talaga nag-boom nang bongga ever. Kaloka!

 

ANOTHER CHIKKA naman itong si Aga Muhlach na talagang tuloy na tuloy na talaga ang pagtakbo niya bilang congressman ng Cam Sur.

Sa bagay, lalo na ngayong maganda na ang Cam Sur at talagang dinadayo na ng mga turista. Kaya lang, marami pa rin ang nagsasabing never naman siyang tumira sa Bikol, I should know. Kakalabanin niya si Wimpy Fuentebella para Congressman at ka-ticket niya si L-Ray Villafuerte na Gobernador naman. Mahirap ipagpalit ng mga taga-Cam Sur ang isang Fuentebella sa isang Aga Muhlach.

May oras pa si Aga para makapag-desisyon nang tama. Hindi pa huli ang lahat. Hindi siya dapat nagpapadala sa amuki o sulsol ng iba. Baka magamit lang siya. Sa showbiz, hindi naman siya nagpakita ng leadership? Hindi niya kayang tumakbo sa QC dahil bagsak siya riyan. Baka akala niya ay sigurado siya sa Camarines Sur?

Korek! At hindi kailangang go na agad. ‘Pag-isipan dapat mabuti kung ano ang papasukin mo sa pulitika, ‘di ba?

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING