Annabelle Rama, ayaw nang kumandidato sa 2016 elections

ADVERTISING

Annabelle Rama, ayaw nang kumandidato sa 2016 elections

Annabelle-RamaSPEAKING OF politics, may offer daw kay Annabelle Rama na tumakbo ulit bilang Congresswoman sa Cebu sa 2016 election. Pero tinanggihan daw niya ito dahil gusto niyang mag-focus sa reality show nila ng kanyang pamilya na It Take Gutz To Be A Gutierrez.

“Sa ngayon, hindi ko puwede isabay ang pulitika sa aming reality show,” aniya. “Kaya tinanggihan ko na na ‘yong aking pinsan sa Cebu na si Mayor Mike Rama. Na talagang hindi pa ako puwedeng bumalik diyan (sa Cebu) kasi busy pa ako sa ibang bagay.”

Pati pagma-manage nga raw ng talents ay binitawan na muna niya. Lahat ng mga alaga niya ay ipinaha-handle muna raw niya sa kanyang mga kaibigan. Ang anak niyang si Richard Gutierrez, balik-active na naman daw sa career nito.

“Malalaman na lang ninyo soon ang mga projects na gagawin niya. Basta may mga negotiation tungkol sa mga movies at TV show. Merong mga ganyan. Kasi okey na rin si Richard na bumalik sa trabaho. Parang busy kasi siya kay Zion. Excited siyang masyado sa bata. Gusto niyang kasama sa paglaki ng baby. E, okey naman si Zion na. Nagsasalita na, three years old na.”

ADVERTISING

Sa TV5 ba si Richard, magbabalik-GMA, o sa ABS-CBN naman?

“Secret muna ‘Dong. Malalaman n’yo na lang ‘yan, ha!”

Ganyan?

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING