Anjo Damiles, hanggang paghanga lang kay Julia Montes

ADVERTISING

Anjo Damiles, hanggang paghanga lang kay Julia Montes

Anjo-Damiles-Julia-MontesAMINADO SI Anjo Damiles na medyo na-threaten siya sa biglang pagpasok ni Sam Milby sa afternoon series na Doble Kara na pinagbibidahan ni Julia Montes .Hindi na lang daw sila ni Edgar Allan Guzman ang kapareha ngayon ni Julia.

“Na-threaten po ako nung una at nagulat na, ‘Uy, ba’t pumasok si Sam, papasok din ba siya sa love triangle namin?’ Pero habang tumatagal po, naiisip ko na ‘wag akong ma-threaten kasi this is the job na pinasok ko,” paliwanag ng talent ni Ogie Diaz.

Nananatili naman hanggang ngayon ang paghanga niya kay Julia, pero wala pa rin daw siyang lakas ng loob na kunin ang number nito.

“Crush lang naman po. Matagal ko na rin po siyang crush nung Mara-Clara days pa lang po niya. And siguro, hanggang do’n na lang po ako. Hindi na po hihigit pa sa manliligaw… hindi na po ako manliligaw kasi hanggang dito lang po talaga ang tingin ko sa kanya – paghanga lang po.”

ADVERTISING

Dagdag pa ni Anjo, kahit pa raw malaman niyang single si Julia, hindi raw niya ipu-pursue ang panliligaw dahil wala pa raw siyang napatutunayan.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING