Anjay Anson thankful na napasama sa ‘Widows’ Web’

SUWERTE ang bagong young actor ng Kapuso Network na si Anjay Anson dahil kahit newbie pa lang siya sa showbiz ay nabigyan na siya ng pagkakataon na makatrabaho ang magagaling na artistang kasali sa cast ng suspenseryeng ‘Widows’ Web‘ na magtatapos na ngayong Biyernes.

Sa mga sumusubaybay sa nasabing programa, alam na ninyo ang kinahinatnan ng karakter ni Anjay bilang Jed Sagrado-Dee, ang mabait na anak ni Barbara (played by Carmina Villaroel).

Anjay Anson thankful na napasama sa 'Widows' Web'
Anjay Anson | Widows’ Web Sagrado Family (Anjay Anson, Adrian Alandy, Carmina Villaroel, Ryan Eigenmann and Ashley Ortega)

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account ay nagpakita ng galak at pasasalamak ang promising young actor na may Filipino-Indian lineage.

“Never in my wildest dreams that I would be part of something amazing. As a newbie in the industry, I was surprised to get the role of Jed. At first, I thought that the role given to me was easy or nothing really important since everybody knew I was still in the process of learning.

“But boy, I was wrong. When I received the first few books of scripts during the lock-in taping and had a couple of script-reading with my co-actors, that’s when I realized that the role I have was very important in the plot of the story.”

Inamin din ni Anjay na kinabahan siya nang malaman na ang award-winning actress na si Carmina Villaroel ang gaganap na ina niya sa serye.

“But with the guidance of everyone, as the day progressed, I have learned so much and applied it through every scene I was included. (I hope everyone noticed my improvement from week 1 hehe). It was really tough. There were even moments of doubt if I can really do this or not but now I can truly say that I went into that lock-in taping as [a] newbie and came out as a soldier haha.”

Pinasalamatan ni Anjay ang mga taong tumulong sa kanya na makuha ang papel na Jed sa Widows’ Web.

“To my workshop mentors, Ms. Ana Feleo and Sir Jeff, thank you for always coaching and sharing your knowledge. To our directors, Direk Jerry, Direk Piem, Direk Phillip, and Direk Sue who believed in me since day [one] and never doubted me.

“To my acting coach, Coach Mark [for] being patient with me in every scene that I struggle with. To all the cast members for being my family [on] the set since it was my first time being away from home for that long. Thank you!”

Nagpasalamat din sa Anjay sa kanyang mga magulang at sa lahat ng sumusubaybay sa Widows’ Web dahil sa kanilang patuloy na pagsuporta.

“I hope you can all support me in my upcoming endeavors because this is just the beginning. Jed Sagrado-Dee now signing off.” pagtatapos nito.

Una namin nasilayan si Anjay Anson sa Regal Studio Presents: Magkaibigan, Nagkaibigan kung saan nakapareha niya si Lexi Gonzales. Sa Widows’ Web ay nakitaan din ng potensyal ang tambalan nila ni Vanessa Pena na gumaganap naman bilang Nikki Suarez sa serye. Silang dalawa na kaya ang susunod na pasisikatin ng GMA? Abangan natin!

Previous article‘Rooftop’ nina Ryza Cenon at Marco Gumabao palabas na sa sinehan
Next articleNora, Vilma, Sharon at Judy Ann nakatikim ng talak kay Direk Joel Lamangan