Anjanette Abayari, gustong magbalik-showbiz

Anjanette Abayari, gustong magbalik-showbiz

Anjanette-AbayariBUKAS DIN sa Startalk ay special guest namin si Anjanette Abayari na nagbabalik dito sa bansa.

Gusto na raw niyang bumalik sa showbiz, na in fairness ang sexy pa rin niya, ha!

Kaya gusto raw niyang mag-pose sa FHM na type na type naman siyempre ng mga taga-FHM.

Pero maraming ikukuwento si Anjanette sa Startalk bukas, dahil hindi pa natin alam kung ano talaga ang nangyari sa kanya pagkatapos niyang mahuli sa Guam.

May kuwento rin si Anjanette sa nangyari sa kanila ni David Bunevacs na ang narinig namin ang dami raw nakuha sa kanyang gamit.

Naku! Ikukuwento lahat ‘yan ni Anjanette. Abangan n’yo na lang!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis