Anggulo ng Pag-ibig: The Sarah Geronimo-Rayver Cruz-Cristine Reyes Controversy

ADVERTISING

Anggulo ng Pag-ibig: The Sarah Geronimo-Rayver Cruz-Cristine Reyes Controversy

Anggulo ng Pag-ibig: The Sarah Geronimo-Rayver Cruz-Cristine Reyes ControversyMAINTRIGA. MAGULO. Kontrobersiyal.

‘Yan ang best descriptions sa relasyon noon nina Sarah Geronimo at Rayver Cruz na nagsanga-sanga hanggang sa mabuking na totoo nga ang kanilang romansa.

Nagsimula ang lahat nang umamin si Sarah na crush niya si Rayver. Later, nagulat na lang ang binata when he received a message mula kay Sarah sa online chat. When Sarah admitted that it was indeed she who Rayver was chatting with, doon na nagsimula ang kanilang closeness.

Until the time when they decided na maging secret lovers. Kami ang nagbulgar niyon dahil nakuha namin ito from a very reliable source. Big no no kasi sa madir at fadir ni Sarah ang magkaroon siya ng relasyon. Ayaw maniwala ng fans at binash kami. Nag-denay kasi ang dalawa na magsyota sila. That was more than two years ago when all the couple could do is chat over Skype. Ni hindi sila nakapag-date man lang in the times they were on. Kasi nga, magagalit si Divine.

ADVERTISING

Actually, there were only two instances na nagsolo ang dalawa, na nangyari sa bahay ni Diane Medina na syota

ni Rodjun Cruz na brother ni Rayver. Sarah and Diane lived in the same village.

Nagmamadali pa noon si Sarah. Wala man ang kanyang parents ay naka-monitor naman ito sa kanya. At nang sinabi ni Divine na pauwi na sila, dali-daling pinutol ni Sarah ang kanilang pag-uusap.

Tinangka ni Rayver na sabihin sa mga magulang ni Sarah na magsyota na sila kaya lang sa sobrang takot ng Pop Star ay pinigilan niya ang binata at nakipag-break.

With the break-up, napalapit naman si Rayver kay Cristine Reyes, bagay na hindi nito naitago kay Sarah.

Anggulo ng Pag-ibig: The Sarah Geronimo-Rayver Cruz-Cristine Reyes Controversy

At one point, tinilian pa ni Sarah si Rayver sa cellphone when she overheard from a conversation that Rayver and Cristine were already an item. “Niloko mo ‘ko,” ang nakabibinging tili ni Sarah kay Rayver.

This was followed by a controversial swipe at Cristine when Sarah said during a rehearsal, “magaling sumayaw habulin ng babaeng sexy”.

Fuming mad, Cristine took to Twitter to vent her ire on Sarah. Although she did not name Sarah, clearly, it was the Pop Star who she was referring to. Among her tweets were the following:

“I AM SO PISSED RIGHT NOW!”

“Hindi ko gusto yun banat ng drama princess porket wala ako sa ASAP XV.akala mo ba e hindi makakarating sakin? Punong puno na ako sayo.”

“Pagmamagaling magsayaw habulin ng mga babaeng sexy… FYI mali ka ng dialogue e baka habulin mo. Ikaw ang naghabol! binreak ka nga e!”

“Nakikipaghiwalay sayo Ikaw ang habol ng habol! Alam mo yan! Alam mo ang TOTOO!!! Sa microphone m pa sinabi para marinig lahat ng artista!”

“Napakasweet at napakabait ng image mo! Bakit Hindi mo totohanin in REAL LIFE?”

“Uulitin ko Lang ha bago mo ka magbitaw ng salita siguraduhin mong Totoo! Kumanta ka na Lang! Bwiset ka!”

“Paka-bitter mo!”

“Pakabait ng image mo Hindi nila alam Grabe ka Lang umarte! Nagpapatanggal ka ng artista sa asap kasi Di mo kaya makasama! Arte mo!”

“Wag na wag mong sa-sabihin na ako ang naghabol dahil alam nating lahat na Ikaw ang halos mamatay sa kakahabol! alam mo yan!”

“At alam mong malinis kunsensya ko dahil Wala akong kasalanan sayo kaya tigilan mo ko ha! wag mo ko pikunin!”

“Naiirita ako sobra! Ayoko na mag-asap kasi ako naman ang aarte sa ngayon! Gagayahin ko rin ang drama niya! DRAMA PRINCESS!!!!!!”

“Hindi niyo naman mapapanuod sa asap kasi sinabi niya yung during rehearsal! At nakamicrophone pa! Ginagawa bigamy katawatawa!”

“Wag mo ko paparinggan at sasabihan ng walang katotohanan wag mo ko simulan kasi marami ako alam na kaartehan mo! IDOL pa naman kita!”

“What a backstabber with a super goody goody image and super sweet smile!”

During the taping of the ABS-CBN Christmas special, Sharon Cuneta went to the dressing room of Rayver and asked him to defend Sarah. This puzzled the actor because he’s not close to Sharon. He was so embarrassed by that incident.

Last February, Sarah granted a tell-all interview with Yes magazine which came out in its March issue. She revealed that Rayver was indeed her first love and first heart break. Nagsalita rin sina Judy Ann Santos, Divine at Rayver sa nasabing mag interview. It was revealed that Rayver’s gift, a necklace, was missing. Na nag-uusap lang sila through Skype ni Sarah during the one year that they were a couple. That they only have two moments together na panakaw pa.

Nasulat din namin na maraming nawalang chance kay Rayver nang pumutok ang isyung hiwalay na sila ni Sarah. May mga projects pala dapat si Sarah with Rayver pero hindi ito natuloy. Nawala rin si Rayver sa concert tour ni Sarah. Nabalita ring inayawan ni Sarah na makasama si Rayver sa production number sa ASAP.

In her Valentine concert with Martin Nievera, Sarah delivered loaded messages which clearly des-cribes the state of her heart and the break-up she went through.

“‘Di masasaktan ang isang tao kung hindi siya totoong nagmahal o nagmamahal. Pero sabi nga nila, hindi lahat ng gusto natin ay para sa ‘tin. At sa lahat ng bagay, hindi lang ito sa love life, hindi lahat ng hilingin natin ay ibibigay sa atin ng Diyos. Dahil ang totoo, meron Siyang napakagandang plano para sa bawat isa sa atin,” Sarah wailed.

“Gusto ko lang sabihin sa mga anak, sa mga anak na babae most especially, just like our parents, God only wants the best for us, His children. If it’s not meant to be… [we should] move on. Dahil kapag nakapag-move on ka na, only then will true love find its way to your heart.”

Last March 20, Sarah made an effort to smoke the peace pipe with Cristine by going to her dressing room. She tightly embraced Cristine and apologized for everything that transpired between them. Divine reportedly did not like the idea and even scolded Sarah for apologizing to Cristine.

Then came July na birthday month ni Sarah. Cristine greeted her over the phone and the Pop Star appreciated it very much. Then, ipinasa ni Cristine kay Rayver ang cellphone para mabati nito ang dalaga.

Now, everything seemed to be okay between the three. Bagama’t hindi naman nakakapag-usap, hindi na magkaaway sina Rayver at Sarah. Same thing is true between the Pop Star and Cristine.

So far, so good ang relasyon nina Cristine at Rayver. Si Sarah naman, halatang kinikilig kay Gerald Anderson na kasama niya sa Won’t Last A Day Without You kaya lang hindi talaga siya makaporma dahil sa kanyang inang si Divine.

 
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING