Angelu de Leon, ni-research ang love story ng JoshLia pagkatapos mapanood ang viral na Paubaya music video

Leo Bukas

ISA SA pinakasikat na love team noong dekada 90 ay ang tambalan nina Angelu de Leon at Bobby Andrews. Pero hindi katulad ng mga love team ngayon na lovers na rin in real life tulad nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Liza Soberano at Enrique Gil, hindi nagkaroon ng romantic involvement sina Angelu at Bobby.

Sa ginanap virtual presscon ng Viva para kay Angelu ay diretsahan nitong inamin na age gap ang dahilan kung bakit hindi sila naging lovers noon ni Bobby.

Angelu de Leon, ni-research ang love story ng JoshLia pagkatapos mapanood ang viral na Paubaya music video
Angelu de Leon

“Yon lang yung difference namin with Bob. Maybe it would have been a different situation if our age are a little bit closer,” natatawang pag-amin ni Angelu na kapipirma lang ng kontrata sa Viva Artists Agency.

Dugtong niya, “Talagang there was really age gap and siguro dati hindi yon pansin ng tao. Pero you know, it was a factor.”

Nagbigay din ng reaksyon ang aktres sa nag-viral na music video nina Joshua Garcia at Julia Barretto para sa kantang Paubaya.

“Merong nagpaubaya, di ba? Ang cute. Alam mo, naaliw ako du’n. Para sa akin, ‘Dapat ginawa namin yon ni Bobby,” natatawa niyang sambit.

Naka-relate din daw siya at kinilig na katulad ng fans ng JoshLia nung napanood niya ang music video.

“Marami na talagang loveteams na, I mean, it brings joy even me watching them. Parang, ‘Oh my gosh, ganito pala ang nararamdaman ng mga fans namin dati!’ Parang ganu’n,” wika pa niya.

Inihayag din ni Angelu na pagkatapos niyang mapanood ang  viral video ng JoshLia ay ni-research niya ang love story ng dalawa at napabilib siya kung paano sila nagpaubaya sa isa’t isa.

Angelu de Leon, ni-research ang love story ng JoshLia pagkatapos mapanood ang viral na Paubaya music video
Angelu de Leon

“I mean, they’re very strong in a sense na to do that kind of thing. It was very personal na parang… ang galing nila. Ang galing nilang dalawa to be able to do that because, to some, magtatago na lang yan. But for them, it was a closure,” reaksyon ni Angelu.

“It was a nice thing na, ‘At least, after nito pwede tayo maging friends,’ di ba?” pahayag pa ni Angelu.

Samantala, masaya ang aktres ngayon sa piling ng asawang si Wowie Rivera. Si  Bobby naman ay matagal nang kasal sa non-showbiz wife niyang si Bienne Co.