Angelu de Leon, nagmukhang unprofessional sa ‘kabastusan’ ng magkapatid na Kobe at Andre Paras

ADVERTISING

Angelu de Leon, nagmukhang unprofessional sa ‘kabastusan’ ng magkapatid na Kobe at Andre ParasAngelu-de-Leon Andre-Paras-Kobe-ParasKUNG HINDI ba naman bastos itong si Jake Vargas, inggit din pala itong alaga ni German Moreno.
Nagrason pa na hindi daw niya binastos ang baguhan na si Ken Chan (isa rin sa mga alaga ni Kuya Germs) ng mag-promote ng kanyang music CD si Bea Binene na sinasabing ex-girlfriend ni Jake, ayon sa isinulat ng kaibigang John Fontanilla sa kanyang column dito sa Pinoy Parazzi.
Ang rason ni Jake, kaya siya pumunta sa mall show ni Bea ay gusto niya itong suportahan. Kung hindi ba naman gunggong na utak-galunggong itong si Jake, ang pinromote ng recording company at ng GMA Artists Center ay ang bagong tambalang Bea-Ken.
Ang malala pa ay nakipag-duet pa itong si Jake with Bea na very uncalled for dahil promo ito ng dalawa (Bea and Ken). In short, ASKAL ang papel ni Jake na dahil sa utak-galunggong nga ay naging super “EPAL”.

Tapos na ang role niya sa tambalan nila ni Bea at binubuwag na. Ano pa ang ginagawa niya na hahara-hara at nagkakalat pa sa promo nina Bea at Ken.
Kung anong meron man sila ngayon ni Bea at kung nagkabalikan man sila huwag na siyang magkalat. Itago na lang nila sa loob ng kotse o sa kuwarto dahil may sinasagasaan siya. Itong si Bea na isa ring pasaway, hindi rin mapigilan.

Wala itong ipinag-iba in the 90’s na may pinu-promote na  pelikula sina Megastar Sharon Cuneta at Robin Padilla na kahit nasaan si Binoe noon ay bumubuntot si Vina Morales noon sa action star dahil magkarelasyon ang dalawa.
Sa pagkapikon ni Mega at nasisira ang promo ng pelikula nila ni Robin, kung hindi ako nagkakamali ay napagsalitaan niya si Vina noon.
‘Asan ba si Kuya Germs na tila hindi niya masuway at maawat ang ginagawa ng alaga niyang jologs na askal na epal pa.

angelu-de-LeonKUWENTONG KABASTUSAN pa rin na ke-bago-bago nila sa showbiz (kung gusto nilang sumikat at makilala) ay ganu’n ang ginawa ng magkapatid na sina Kobe at Andre Paras sa mga kasamahan nilang mga artista na naghintay sa kanila sa taping ng Celerity Bluff ng Kapuso Network na nangyari last week.
Ayon sa post ni Angelu de Leon sa kanyang Instagram and Facebook account, si Bobby ang pinakauna na dumating sa mga guests.
To quote Angelu: “After the Paras Brothers came in 2 hours late and no apologies from them, na sad talaga ako. Kasi i needed to go back sa taping ng Pyra after Celebrity Bluff kaya ako na-late sa taping ko.”
Sina Kobe at Andre Paras ay anak ng sikat na basketbolista na si Benjie Paras sa dating artista na si Jackie Forster.
Pero dahil sa ginawa ng magkapatid, tuloy si Angelu ang na-late sa isa niyang commitment na siya ngayon ang nagmukhang unprofessional dahil sa kagagawan ng mga pasaway na magkapatid.

HAPPY KAMI sa kaibigang Ogie Diaz sa pagkapanalo niya last Sunday Night sa nakaraang 27th PMPC Star Awards for Television as Best Male Showbiz Oriented Talk Show Host  for Showbiz Inside Report.
Tama ang sabi ni Ogie sa amin na thankful siya at hall of famer na si Kuya Boy Abunda sa Star Awards dahil kung hindi malamang nakanganga pa rin sila ng mga kasamahan niyang mga nominated sa kategolrya na for so many years si Kuya Boy ang nag-uuwi palagi ng tropeo.
Hopefully, suwerte sa kaibigang Ogie ang pagkapanalo niya lalo pa’t today, Miyerkules ay ipalalabas ang pelikula nila nina Pokwang, Enchong Dee at Jessy Mendiola na Call Center Girl sa direksyon ni Don Cuaresma.

ADVERTISING

TOTOO BA na only last month, nagpatalo ng almost 120 million pesos sa casino ang komedyante na si Willie Revillame?
Ok, it’s not our money. Pera n’ya ‘yun na pinaghirapan niya. Pero parang abuso na sa panahon ng kahirapan, sa loob ng 30 days, iwawaldas niya ang kung ilang million sa casino?
Maging ang Wil’s Event Place also owned by him sa Sgt. Esguerra ay naibenta na rin daw niya sa halagang 200 million at bayad na rin daw ng nakabili sa komedyante-host ang property?
Just asking lang naman. Sayang naman ‘yong pinaghirapan ni Willie kong tutoo man ito.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING