Angelu de Leon, naaksidente habang papunta sa taping ng serye

ADVERTISING

Angelu de Leon, naaksidente habang papunta sa taping ng serye

Angelu-de-LeonKAHIT SINALANTA at winasak ng bagyong Glenda ang Laguna, hindi ito naging sagabal para roon gawin ang taping ng Niño na idinidirek ni Maryo J. delos Reyes.

Tsika nga ng mga press na dumalaw sa taping, talagang sinalanta ng bagyo ang nasabing lugar kaya karamihan ng mga naninirahan doon, nasa kalsada para maghingi ng tulong sa mga dumaraang sasakyan. Karamihan ng mga bahay ay talagang nawasak at bubong na lang ang natira. Walang kuryente at hindi makapaghanapbuhay.

Pero ipinamalas ng mga artistang kasama sa serye ang pagiging professional na walang reklamong nag-taping dahil nasabi nga raw ni Direk Maryo na wala na silang pondong episode dahil ‘di sila nakapagtaping last Wednesday na kasagsagan ng bagyong Glenda.

Si Angelu de Leon nga na kasama sa cast, tumuloy pa rin sa taping sa Laguna kahit na naaksidente sa may Victoria, Laguna nang banggain daw ng isang truck ang likod ng kanyang van at sa lakas ng impact ay nayupi ang likod ng van.

ADVERTISING

Nagpasalamat na lang si Angelu na walang nangyaring masama sa kanila ng anak na si Rafa, dalawang yaya at driver habang papunta sila ng taping.

Dahil makakatapat ng serye ni Direk Maryo ang serye ni Piolo Pascual na Hawak Kamay na may may kasama rin tatlong child star, naitanong kay Direk kung may pressure raw ba na makasabay ang serye ni Piolo?

Sabi raw ni Direk, wala raw siyang nararamdamang pressure dahil nauna na silang umere at naniniwala na hindi raw sila bibitawan ng mga sumusubaybay.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING