Angelu de Leon, isa pang anak ang birthday wish


Angelu-de-Leon

“TO HAVE another baby!” Ito ang birthday wish ng maganda at napakagaling na aktres na si Angelu de Leon na nagdiwang ng kanyang ika-36 na birthday last August 22 sa Spice & Cleaver Restaurant, Estancia Mall, Capitol
Commons, Pasig City na kanyang pag-aari.
Dagdag pa ni Angelu, “Pero ‘wag muna ngayon, pagkatapos kong magpapayat. Hahaha! Gusto ko munang i-enjoy. Hahaha! Pero ‘yung wish ko talaga is all for my kids. Sana lagi silang in good health at laging protected, at sana makapagtapos sila ng pag-aaral.”
Masaya nga raw si Angelu dahil suceesful siya sa maraming bagay, mapa-buhay pag-ibig man, kung saan 5 years na silang happilly married ng kanyang mabait, very supportive, at loving husband, pagkakaroon ng mga mababait na anak, at magandang takbo ng career.
Kaya naman daw hindi nakalilimot magpasalamat sa Diyos si Angelu, dahil alam niya na kung ano man ang meron siya ngayon, dahil ‘yun sa Poong Maykapal.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleLuis Manzano, fifty-fifty pa rin sa pagpasok sa pulitika
Next articleMegan Young, ‘wag daw siyang ikumpara kay Marian Rivera

No posts to display