Angelu de Leon at Bobby Andrews, seryoso na sa kanilang balik-tambalan

Bobby-Andrews-Angelu-de-LeonSUPER SAYA nina Angelu de Leon at Bobby Andrews sa kanilang balik-tambalan sa Buena Familia na siyang kapalit ng Yagit sa afternoon drama series ng GMA 7.

Matagal na rin nang huli silang magkasama at ang maganda ay hanggang ngayon ay nandiyan pa rin ang kanilang supporters na natatandaan pa sila as Peachy and Joaquin sa T.G.I.S. noon.

“Nakatutuwa. Sabi nga namin ni Bobby, pang-throwback na lang kami o kaya flashback Friday. Pero nakatutuwa, kasi may mga scenes kami na 1995 ‘yung setting, even the wardrobe, so nakatutuwa lang balikan ‘yung mga panahon ‘yun. Sana nga lang, hindi pa rin nila ma-associate si Peachy at si Joaquin kay Bettina at kay Arthur (character nila sa Buena Familia). Siyempre gusto natin na iba sila sa Buena Familia,” say ni Angelu.

Ayon naman kay Bobby, ang sobrang nakatutuwa raw sa pagsasama nila ulit ngayon ni Angelu ay ibang-iba na kaysa dati ang kanilang roles. Dati raw kasi ay nagpapa-cute at nagpapakilig pa sila, ngayon ay seryoso na talaga.

“Kung dati ay holding hands lang, ngayon ay maghahalikan na kami,” say ni Bobby na ikinabilog ng mata ni Angelu.

Dahil may kanya-kanya nang pamilya sina Angelu at Bobby, may mga anak na rin sila sa totoong buhay, kaya okey na okey raw ang role nila bilang parents nina Kylie Padilla, Julie Anne San Jose, Julian Trono, at Mona Louise Reyes.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

Previous articleVince Tañada, hindi lang entertainer ang artist
Next articleJovit Baldivino, naagaw na kay April Boy ang pagiging Juke Box King

No posts to display