Angelo Ilagan, kayang makipagsabayan kay Coco Martin

Angelo Ilagan, kayang makipagsabayan kay Coco Martin

Angelo-IlaganANGELO ILAGAN should make more movies, hindi lang indie films, kundi commercial movies. We’re saying this after we watched him perform sa Alimuom ng Kahapon, an indie film showing May 6, where he plays a student activist na na-in love sa isang budding lifestyle photographer played by DM Sevilla.

As young bisexual couple, merong conflicts between them. Sa confrontation scenes nina DM and Angelo, easily ay ang huli ang aming hinangaan. Sobrang galing ni Angelo. Nuanced na nuanced ang kanyang performance especially sa pagbibigay niya ng bonggang hugot lines. Everything in him is nakaaarte, ganoon siya kagaling. His eyes have it. His body language complements his facial expressions. Galing overload talaga ang ipinakita niya.

We actually felt at one point in the movie na puwede niyang sabayan si Coco Martin. He could be the next most important actor basta mabigyan lang ng chance.

As to DM na isang licensed nurse na ngayon at nagtatrabaho sa Dubai, nakaaarte rin ang binata. Ang galing din niyang humugot sa mga eksena nila ni Angelo.

When it comes to sex scenes, marami rin namang steamy scenes sina DM and Angelo but it was Sebastian Castro’s intimate scene with DM which got the audience feeling hot.

 

GMA, wala nang summer station ID, nagsara pa ng regional offices; nalulugi na raw

 

PINAG-UUSAPAN ANG hindi pagkakaroon ng GMA-7 ng Summer Station ID sa social media.

Mainit ring issue ang pagsasara ng regional offices nila, tantamount to saying na nalulugi na raw ang network.

Easily, lait ang inabot ng Siyete sa mga reactions sa social media.

“actually.. KAHAPUN SINARA NA NG GMA ANG APAT NILANG REGIONAL OFFICES PATI MGA SHOWS SA CEBU AT DAVAO TINANGGAL NARIN!! AYUN SA MEDIA NEWS KASAMA ANG BACOLOD.CDO.ILOILO.AT NAGA,” chika ng isang guy.

“Basta ang alam q ngsara na ang regional network ng gma sa iloilo, bacolod,naga, at ilocos, tas tanggal na morning program nila sa cagayan de oro at davao city….. Hahaha…. O cge gma na nangunguna sa pgkalugi!…… Tingnan nyo pa sa mindanews,” say naman ng isa pa.

“number 1 naman talaga ang GMA ah, #1 sa pakapalan ng mukha, #1 sa mga bastos na artists, #1 sa may pinakaluging kita. #1 sa pangki- claim kahit ni minsan ay hindi totoo….ang saklap diba.? GMA the claiming station na number 1 sila, obvious namang number 3 lang sila..wahahah,” mataray na comment naman ng isang ayaw sa Kapuso network.

Angel Javier, magtrabaho ka. I-explain mo kung bakit walang summer station ID ang network na pinaglilingkuran mo.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas