Angeline Quinto, walang tutol sa sa same sex marriage; sayang raw ang kita ‘pag naiimbitahang kumanta sa kasal

ADVERTISING

Angeline Quinto, walang tutol sa sa same sex marriage; sayang raw ang kita 'pag naiimbitahang kumanta sa kasal

Angeline Quinto
Angeline Quinto

Nakakatawa pala itong si Angeline Quinto. Kapag nagsalita pala siya ay palaging may hirit na komedya.

Natanong siya at mga kasamanang sina Kean Cipriano, Billy Crawford, Eric Quizon, and Mart Escudero sa “That Thing Called Tanga Na” kung pabor siya sa same-sex marriage.

“Ako po, hindi naman po ako against sa same-sex marriage. Unang-una kasi, ang dami ko pong kilala na parehong lalaki, ikinasal, parehong babae, ikinasal. Saka, minsan sila pa ‘yung nag-i-invite sa akin na kumanta sa wedding nila. Malaking tulong naman po sila sa akin, so bakit naman po ako magiging against sa kanila. Saka, willing naman po silang magbayad nang tama,” say ni Angeline na may halong pagpapatawa.

“Hindi, totoo po ‘yon. May mga kilala ako, sa ibang bansa pa nga. Kasi, ‘di ba, sa ibang bansa ay legal po ‘yon (same-sex marriage)? So, kung mahal nila ang isa’t isa, sino po ako para husgahan sila. Kung mahal nila ang isa’t isa ay ako na lang ang kumanta,” dagdag pa niya.

ADVERTISING

Meron ngang siyang invite para kumanta sa isang same-sex wedding kaya lang ay hindi natuloy

dahil may conflict sa schedule niya.

“Sayang ang dollar,” patawang hirit pa ni Angeline Quinto.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING