Angeline Quinto, umiiwas na sa mga barkadang tomboy?!

ADVERTISING

Angeline Quinto, umiiwas na sa mga barkadang tomboy?!

Angeline Quinto, umiiwas na sa mga barkadang tomboy?! MAHIRAP TALAGA sa sitwasyon nga-yon ni Angeline Quinto, na porke’t sikat na sikat siya bilang singer ay isinabak naman siya sa larangan ng pag-arte. Kung papaano kasing kinagigiliwan siya sa galing ng kanyang boses, kabaligtaran naman sa istilo ng kanyang pag-arte na laging pinupuna ngayon sa napapanood niyang pagganap sa isang teleserye ng ABS-CBN.  Hilaw na hilaw naman kasi ang atake niya ng pag-arte, kaya talagang marami ang nadidismaya.

Napapansin din, na sa tuwing pag-uusapan ang tungkol sa lovelife ni Angeline, parang lagi na lang niyang dinadaan sa biro ang pagkakaroon ng boyfriend. Kung sino ang nakakapareha niya ngayon sa showbiz, katulad ni Coco Martin, ay hanggang doon lang naman. Pagkatapos ng pinagsamahang trabaho ay wala na rin talagang iba pa na puwedeng pag-usapan, dahil kanya-kanya na ulit. Si Angeline pa naman, lahat ay dinadaan na lang sa biro, kaya madalas nagmumukha siyang eklayera.

Pero marami ang natutuwa, dahil malaki na raw ang ipinagbago ni Angeline ngayon. Dati-rati raw kasi, nu’ng baguhan pa lang si Angeline na nagha-hanap ng magbibigay sa kanya ng break, kapag may lakad siya at pumupunta sa iba’t ibang kumpanya, ang mga kasama raw ng magaling na singer ay mga tomboy. Baka raw mayroong nagbawal kay Angeline, lalo na ngayong nasa ABS-CBN na siya, na kung gusto niyang magkaroon ng magandang image sa showbiz ay umiwas siya sa mga kadramahang ang barkada ay mga tomboyita.

Angeline Quinto, umiiwas na sa mga barkadang tomboy?!

ADVERTISING

DAPAT LANG naman talagang pahalagahan ang Superstar na si Nora Aunor, dahil ang kanyang kalibre ay maihahalintulad mo sa mga namayapang sina Direk Lino Brocka, Nida Blanca, Charito Solis at sa Comedy King na si Mang Dolphy.  Napag-uusapan ito sa maraming umpukan sa showbiz, dahil lagi na lang nagkakasakit ang mommy ni Ian de Leon. Huwag na lang din sanang iturong dahilan ang diumano’y hindi pa rin maawat na bisyo ni Ate Guy, lalo na ang paninigarilyo. Kundi, tumutok na lang sa isyu na kailangan talaga niya na mayroong nag-aalaga sa kanyang kalusugan.

Nakakaawa kasi ang Superstar, dahil siya ‘yung tipo ng tao na ayaw mang-abala, ayaw magpaintindi sa ibang tao. Kapag inasikaso mo si Nora at nahalata niya na makaaabala siya, lagi niyang sasabihin ay: “Okey lang po ako. Huwag na po kayong mag-abala. Okey lang po talaga ako.” Paano nga, sa matagal na panahong pamamalagi ni Ate Guy sa ibang bansa ay nakasanayan niya talaga na kahit mahirapan, nakakaya niyang kumilos nang mag-isa at hindi umaasa na may ibang tao na gagawa ng maraming bagay para sa kanya.

Ang dami-daming tao sa showbiz na gustong magmalasakit kay Nora, lalo na tungkol sa kanyang kalusugan. Pero siyempre, masarap lang iyong pakinggan para kay Ate Guy. Ang problema, para talagang hindi na kumpor-table ngayon ang Superstar kapag maraming tao sa kanyang paligid na madiwara at pinangunguna-han siya. Kilala kasi ang aktres sa kanyang ugali na ayaw niyang dinidiktahan siya ng ibang tao.

 ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING