Angeline Quinto, tinawag na ‘Next Superstar’ Regine V., naghahamon ng away sa mga Noranians?

ADVERTISING

Angeline Quinto, tinawag na ‘Next Superstar’ Regine V., naghahamon ng away sa mga Noranians?

IBA’T IBANG REAKSYON ang lumabas sa binitawang salita ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa nakaraang concert ni Angeline Quinto na ito raw ang next Superstar. Teka, Paano naman si Sarah Geronimo na tinatawag ngayong Pop Star Princess? Agad na klinaro ni Angeline ang sinabi ni Regine na dapat daw na sasabihin ng Songbird eh, next Female Pop Superstar at ayon sa baguhang singer, walang puwedeng pumalit sa nag-iisang Superstar na si Ms. Nora Aunor at pagdating kay Sarah, wala silang problema ng singer-actress. ‘Yun naman pala! So, wala dapat ipagtampo ang mga Noranians. Kahit sino pa ang dumating sa industriya, walang makakapalit sa tinamong kasikatan ni Ate Guy. Kuha n’yo?

ADVERTISING

 

Photos by Mark Atienza, Luz Candaba & Fernan Sucalit

By MK Caguingin

ADVERTISING

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

ADVERTISING