Angeline Quinto, siniguro kay Erik Santos na wala na sa puso niya si Coco Martin

Angeline Quinto, siniguro kay Erik Santos na wala na sa puso niya si Coco Martin

Erick-Santos-Angeline-QuintoEXCITED SI Angeline Quinto na muling makatrabaho ang minsang na-link sa kanya na si Coco Martin. Ito ay sa TV remake sa ABS-CBN ng Ang Probinsiyano na pinagbidahan noon ng yumaong si Fernando Poe Jr.

Dati ay very vocal si Angeline sa pagsasabi na crush na crush niya si Coco.

“Anong masama?” nangiting katuwiran ni Angeline.

Pero iba na sa ngayon. Dahil balitang medyo nababahala ang rumored boyfriend niyang si Erik Santos sa pagsasama sa trabaho nina Angeline at Coco.

May naging pahayag nga si Erik na… “Marami rin akong kaibigan na nagti-teleserye… talagang nagkakahukugan talaga ng loob. Dahil almost everyday, 24 hours kayong magkakasama. Baka mamaya, magka-develop-an. Which is very possible naman.”

Reaksiyon naman ni Angeline hinggil dito… “Sinabi ko naman kay Erik, tapos na ‘yon, e. At ano namang masama, ‘di ba?”

Tapos na rin naman ‘yong namagitan nga dati kina Erik at Rufa Mae Quinto. Pero ayaw ni Angeline na napag-uusapan pa ang tungkol dito at sa iba pang naugnay sa rumored boyfriend niya ngayon.

“Nasasaktan kasi ako kapag nau-open pa ‘yan e,” katuwiran niya. “Ayokong binabanggit ‘yong mga ano… basta ayoko. Napaka-selosa ko po kasi.”

Ganyan?

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan