Angeline Quinto, seryoso sa pangarap na magkaroon ng acting trophy

ADVERTISING

Angeline Quinto, seryoso sa pangarap na magkaroon ng acting trophy

Angeline Quinto
Angeline Quinto

Seryoso pala si Angeline Quinto sa pahayag niya noon na gusto niyang magkaroon ng best actress trophy in the future gaya ng iniidolo niyang si Maricel Soriano.

“Dream ko talaga ‘yon. Sinasabi ko nga sa mga kakilala ko, magiging best actress ako, pero tinatawanan nila ako. Siguro sa pagkakakilala po nila sa akin na kalog, palabiro, akala nila joke ‘yon,” pag-amin ni Angeline Quinto.

Baka kasi walang naniniwala sa kanya kaya siya pinagtatawanan?

“Hindi naman siguro sa walang naniniwala o hindi sila naniniwala, akala kasi nila nagdyu-joke lang ako.

ADVERTISING

“Dream ko po talaga na maging best actress. Nag-umpisa po ako dati sa “MMK”, do’n po ako unang umarte rin. So, sabi ko, sana dumating ‘yung time na mas marami pa akong magawang role.”

Meron din daw siyang particular role na gusto sanang gampanan.

“Minsan, ‘pag tinatanong po ako kung ano pa po yung dream role ko, sabi ko, gusto kong makagawa ng ‘yung medyo baliw na role, kasi parang… yung sa “Budoy” nga ni Gerald Anderson parang medyo mahirap ‘yon, ‘di ba?” sabi pa niya.

Kasalukuyang ginagawa ni Angeline ang Cinema One Originals movie na “Malinak Ye Labi” na pelikula tungkol sa mga taga-Pangasinan.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING