Angeline Quinto, pangarap na maka-duet ng singer na si Tyrone Oneza

ADVERTISING

Angeline Quinto, pangarap na maka-duet ng singer na si Tyrone Oneza

Tyrone Oneza With Angeline Quinto
Tyrone Oneza With Angeline Quinto

Ang nag-iisang Superstar daw na si Nora Aunor ang matagal nang paboritong babaeng artista ng tinaguriang “King of Wheel of Fortune sa Facebook” at singer na si Tyrone Oneza.

Kaya naman daw sa pagbabalik nito sa Pilipinas, ang Superstar ang gusto nitong makasama sa kanyang ipo-produce na indie film ngayong taon.

“Gusto kong makasama si Nora Aunor, dahil ‘pag siya ang nakasama ko, parang fulfilled na ‘yung mga pangarap ko.

“Isa siya sa gusto kong artista noon, kaya naman kung magkaka-pelikula ako, si Nora Aunor ang gusto kong makasama. Sana makasama ko siya sa gagawin kong indie film, sana pumayag siya.”

ADVERTISING

Habang ang mahusay na singer na si Angeline Quinto naman ang showbiz crush ni Tyrone.

Angeline Quinto po, sobrang crush ko at idol siya. ‘Pag natuloy ang plano kong magka-concert, siya ang gusto kong makasama at maka-duet.”

Any day from now ay darating na sa bansa si Tyrone Oneza para isakatuparan ang kanyang mga plano, katulad ng pagkakaroon ng sariling recording outfit at movie production company.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING