Angeline Quinto, nanliligaw kay Coco Martin?!

NAGKATOTOO ANG wish ni Kris Aquino, nag-number 2 sa takilya ang pelikula niyang Segunda Mano with Dingdong Dantes sa nakaraang MMFF at kasalukuyan pa rin pinipilahan ito sa mga sinehan.

“Kina Ai- Ai Delas Alas at Vic Sotto na ang number one, basta sa akin ang number 2 slot sa box-office,” say ng TV host-actress.

Tinalo ng pelikula ni Kristeta ang Ang Panday 2 ni Sen. Bong Revilla. Milya-mil-ya nga raw ang agwat nito, pumangatlo lang sa puwesto ang action-adventure ng senador. Disappointed ang GMA-7 at Imus Production sa naging resulta ng pelikula nila sa takilya. Naudlot tuloy ang sana’y victory party for the press na ibibigay sana ng Kapuso Network at ni Sen. Bong. Bagkus, lumipad na lang ito patungong CDO (Cagayan De Oro) para mamahagi ng tulong sa ating mga kababayan na nasa-lanta ng bagyo.

Ngayong natupad na ang wish ni Kris, siguro naman tutuparin niya ang pangako sa entertainment press na dumalo sa kanyang presscon na mag-number 2 lang ang kanyang pelikula at malagpasan ang kinita ng Dalaw, libreng cart of groceries ng ini-endorse ang ipamimigay niya. Excited na ang mga kafatid sa panulat sa announcement na ibibigay ng Queen of All Media sa kanyang morning show na Kris TV. Abangan…

LABIS ANG paghanga ni Angeline Quinto kay Coco Martin. Tuloy, nabibigyang-kulay ang kanilang pagkakaibigan. Ang dalaga na raw ang mismong nanliligaw sa aktor na agad binigyang-linaw ng Star Power grand champion.

“Ipinapakita ko lang ang nararamdaman ko, talaga namang may paghanga ako. Alangan namang magpakaplastik ako,” pangangatuwiran niya.

Kahit hayagan ang sinasabing pagkagusto ni Angeline kay Coco, hindi ito binibigyang-malisya ng magaling na aktor. Ayaw kasi niyang isipin ng publiko na gumigimik lang silang dalawa dahil magkasama sila sa pelikulang You Light Up My Life under Star Cinema. Maingat si Coco pagdating sa babae lalo’t taga-showbiz. Hindi ba’t super emote si Maja Salvador sa binata para lang mapansin na nauwi sa suntukan nina Coco at ng boyfriend niyang si Matteo Guidicelli.

May tsika, may non-showbiz girlfriend na si Coco kaya’t malabong ma-develop to something ang friendship mayroon sila ngayon ni Angeline. May trauma na siyang makipag-relasyon sa kapwa niya artista. Hindi naging maganda ang first serious relationship niya in the past. As much as possible, gusto ni Coco na maging pribado ang kanyang lovelife. Ayaw nitong kinakalkal at pinag-uusapan ang personal niyang buhay, kaya mailap ito sa media people.

KAILAN LANG, ini-launch ng Global Fusion, Inc. at ni Kristine Soguilon ang “Kaolin Sea” (beauty products), a brand that will soon become a household name. Sprung from the all-natural, skincare and whitening movements. The Kaolin Sea Premiere Products – For the Natural beauty that Flows. They have beauty white bar, whitening toner, whitening day cream, Kaolin Sea 5 in 1 night cream, sunblock SPF 50 and body white cream.

Kaolin Sea products are water-based and are hypoallergenic. Sourced from the finest waters in the world (Pacific Region), it’s gentle and prized ingredients work on your skin to give you the clear, velvety smooth complexion that is worth it’s weight in gold.

With Kristine’s dedication, people skills and business acumen, Kaolin Sea will soon become a brand of trust.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Previous articleKapag ‘di tinigilan ng intriga Pauleen Luna, lalayasan ang Eat, Bulaga?!
Next articleAngel Locsin at Marian Rivera, Magsasama sa Isang Pelikula!

No posts to display