Angeline Quinto nagpositibo sa Covid-19

NAGPOSITIBO sa Covid-19 ang Kapamilya actress singer na si Angeline Quinto.

Ito mismo ang kinumpirma ni Angeline sa kanyang nakakagulat na latest vlog uploaded today, April 1.

Angeline Quinto nagpositibo sa Covid-19
Angeline Quinto

Ikwinento ng ‘Huwag Kang Mangamba’ star na dapat ay nasa lock-in taping siya ng kanyang newest teleserye. Nag-umpisa ang lahat nang magkaroon ng sipon at ubo ang kanyang usual ‘plus one’ sa lock-in taping. Pinauwi ito ng Maynila dahil na rin sa advice ng health officer na present sa taping ng serye.

Ang dapat na kapalit nito na nakasalamuha na rin ni Angeline ay nagpa-swab test rin as requirement ng production. Unfortunately, nagpositibo ito sa Covid kaya nagpasya na mag-contact tracing.

“I was very cautious. Pero siguro dahil na din po sa pagod, without knowing it naging pabaya ako protecting myself.” pag-amin ni Angeline.

 

Matatapos na ni Angeline Quinto ang first week ng kanyang quarantine. Mula sa pagwala ng kanyang panlasa at pang-amoy hanggang sa pagkati ng lalamunan at kung anu-ano ang kanyang routine habang nakakulong sa kanyang kwarto.

Panoorin natin ang first half ng kanyang Covid-19 journey and let us pray for her fast recovery. Huwag kang mangamba at manalig ka lang, Angeline!