Angeline Quinto, may trauma sa pag-ibig

ADVERTISING

Angeline Quinto, may trauma sa pag-ibig

Angeline-QuintoNU’NG LINGO pa lang nailabas ang episode ni Angeline Quinto kung saan naging usap-usapan ang pag-iyak ng singer nang kumustahin ni Vice Ganda kung malungkot pa rin ba ito hanggang sa ngayon.

Napag-usapan kasi ang tungkol sa isang pag-ibig na hindi na babalik sa kanya, hindi napigilan ni Angge ang umiyak nang mapag-usapan ito. At umamin na hanggang sa ngayon ay masakit pa rin ito sa kanya.

May ilang nag-aakala na si Coco Martin ang lalaking rason daw ng pag-iyak ni Angeline na minsang naugnay sa kanya. Nang tanuning namin siya tungkol dito, klinaro niya sa amin na non-showbiz guy ito na dati niyang boyfriend  bago pa man siya nag-showbiz at nagkahiwalay sila dahil sa ilang ‘di pinagkaunawaan. Inamin din sa amin na ito ang rason kung bakit parang takot pa rin siyang pumasok sa panibagong pakikipagrelasyon.

Marami ang nagtatanong sa amin kung totoo ba ang tungkol sa kanila ni Erik Santos. Ang alam namin ay malapit na magkaibigan  ang dalawa bukod pa sa magkapatid sila sa Cornerstone na parehong may hawak na kanilang career.

ADVERTISING

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING