Angeline Quinto may ikinakasang anniversary concert para sa kanyang 10th year sa showbiz

Leo Bukas

ISANG sorpresa ang inihahanda ng singer-actress na si Angeline Quinto para sa kanyang mga fans sa pagdiriwang niya ng kanyang 10th year sa showbiz.

Sa pamamagitan ng isang Instagram post ay ipinasilip ni Angeline ang tila patikim sa kanyang  binabalak na concert na handog ng Kreative Den digital media.

Angeline Quinto may ikinakasang anniversary concert para sa kanyang 10th year sa showbiz
Angeline Quinto

Aniya,  “In celebration of my 10th anniversary in showbiz.”

Year 2011 when Angeline won as the grand winner ng Star Power talent search sa ABS-CBN hosted by  Sharon Cuneta.

Sunod-sunod ang mga awiting pinasikat ni Angeline kabilang na ang winning song niya na “Patuloy Ang Pangarap” na naging inspirasyon ng karamihan hanggang sa ngayon.

“Alam niyo po, yung Star Power po talaga ang contest na ibinigay ko sa sarili ko na last na contest na sasalihan ko.

“Kasi sabi ko ‘kung di talaga ako manalo dito, talagang ang singing ay hindi po talaga para sa akin,” balik-tanaw niya.

Bukod sa pagiging singer ay pinasok rin ni Angeline ang pag-arte. Bumida siya sa iba’t ibang pelikula kasama ang premiyadong bituin ng ABS-CBN kabilang na si Coco Martin para sa Born To Love You. Tinagurian ding Queen of Teleserye Themesong si Angeline.