Angeline Quinto, maraming ipareretoke sa katawan!

ADVERTISING

Angeline Quinto, maraming ipareretoke sa katawan!Angeline Quinto, maraming ipareretoke sa katawan!

MATAPOS ANG kasal nina Ai-Ai delas Alas at boyfriend nitong si Jed Salang sa Las Vegas, USA, sinabi ng aktres sa panayam ni Tito Boy Abunda sa The Buzz nu’ng Linggo na baka magkaroon pa sila ng church  wedding dito sa   Manila,  para   rin   sa  ilang pang mga kapamilya at mga kaibigan nilang hindi nakadalo sa kanilang wedding sa States.

Nu’ng Miyerkules ng gabi, kinumpirma sa amin ng isa sa mga matalik na kaibigan ni Ai-Ai at business partner nito na si Lito Alejandria ng Zirkoh at Klownz Comedy bars na ang gustong simbahan daw ng comedy queen kung saan muli silang magpapakasal ng kanyang jowa ay sa Manila Cathedral.

Hindi raw naniniwala ang isa sa tatlong bagong box-office phenomenal stars ng taong 2012 sa mga sabi-sabi na ang mga ikinakasal sa Manila Cathedral ay nagkakahiwalay.

Tahanan daw ‘yon ng Diyos, kaya positibo si Mrs. Jed Salang na magiging maganda ang dala sa kanila ng nasabing simbahan kapag doon ginanap ang kanilang church wedding come December 8 (2013) na feast of the Immaculate Concepcion.

ADVERTISING

Devotee kasi ni Mama Mary si Ai-Ai, kaya iyon ang gusto n’yang maging araw ng kanilang kasal sa simbahan dito.

Pero sa ngayon ay hindi pa raw napapa-book ng dalawa sa Manila Cathedral ang gusto nilang date, kaya naman inaagad na raw ni Lito ang mag-asawa na ipa-reserve na ang araw na ‘yon dahil malamang, marami ring ibang magjowa ang bet magpakasal doon sa December 8.

Angeline Quinto, maraming ipareretoke sa katawan!Napili rin daw ni Ai-Ai ang simbahan na ‘yon dahil feel daw nito na mahaba ang kanyang pagrarampahan o lalakaran papuntang altar, sey pa ni Lito.

Ibinuking din ni Mama Lits (tawag sa kanya ng mga kaibigan n’yang showbiz writers) na si Kris Aquino raw ang nagprisinta na gagastos para sa magiging wedding gown at shoes ni Ai-Ai.

Iniisip daw ni Kris na isang mahusay na designer from Dubai ang gagawa ng wedding gown ni Ai-Ai.

Hindi pa naman daw nasasabi ng kontrobersyal na TV host kung anong mamahaling designer shoes ang gusto n’yang ipasuot sa kanyang friendship.

 

NAG-PICTORIAL LAST Tuesday si Angeline Quinto para sa kanyang billboard para sa  Belo Medical Group.

Ang campaign na iyon ay para sa treatment na pagpapa-botox ng kili-kili para mabawasan ang pamamasa nito. “Medyo nagpapawis po kasi ang kili-kili ko,” natatawang pag-amin ng singer-actress.

Sa panayam namin sa kanila ni Dr. Vicki Belo, sinabi ng kilalang doktor ng sikat na mga artista na matangos at maganda na ang tinatawag na bridge ng ilong ni Angeline, pero p’wede n’yang ayusin nang konti ang dulo nito dahil medyo mataas daw.

“Para po akong si Pinnochio, pero hindi po ako sinungaling,” nakakatawang hirit ni Angge (nickname ni Angeline).

Aminado rin si Angeline na kahit matangos na nga ang ilong n’ya ay medyo nalalakihan daw s’ya rito dahil medyo maliit daw ang kanyang mukha, kaya parang hindi raw proportion.

Ginarantiya ni Dr. Belo na hinding-hindi raw maaapektuhan ang ganda ng boses ni Angeline ‘pag kumanta ito kung sakaling matuloy ang pag-ayos ng ilong nito, dahil ‘yung labas lang naman daw ang gagalawin at babawasan.

Kung matutuloy man ang mga plano, baka pati raw ang cheeks ni Angeline ay kailangan ayusin nang konti para magpantay ang mga ito. Gayu’n din ang talukap ng mga mata n’ya para raw lalong magmukhang buhay na buhay ang kanyang mga mukhang malulungkot na mga mata.

Pero sa ngayon, bukod sa pagpapa-botox ng underarms, ang sigurado pa lang daw na ipapagawang service ni Angeline ay ang pagpapa-lipo raw ng kanyang magkabilang tagiliran malapit sa may likuran para mas gumanda raw ang fit sa kanya ng mga gown na sinusuot n’ya. Gayo’n din ang pag-lipo raw ng kanyang mga braso para pumayat ang mga ito, lalo na sa TV at sa big screen.

Franz 2 U
by Francis Simeon

ADVERTISING