Angeline Quinto, malaki ang tiwalang aalalayan ni Erik Santos sa kanilang Araneta concert

Angeline-Quinto-Erick-SantosDALAWANG LINGGO na lang ang hihintayin ng fans para sa much-awaited concert nina Erik Santos at Angeline Quinto sa Araneta Coliseum na pinamagatang Erik Santos and Angeline Quinto at the Araneta Coliseum. Sa August 15 na ito gaganapin at handa na rin ang mga napiling repertoire ng dalawang singer.

First major concert ito ni Angeline sa Araneta kaya hindi maiwasang kabahan. Pero malaki naman daw ang tiwala niya kay Erik na aalalayan siya nito.

“Si Erik, sanay na siya sa malalaking venue tulad ng Araneta kaya alam kong aalalayan niya ako,” sey pa ng singer.

Kasama sa mga repertoire nila sa concert ang ilang mga themesong ng pelikula at teleserye ng ABS-CBN. Alam n’yo ba na 37 theme songs na ang kinanta ni Erik samantalang naka-35 theme songs naman si Angeline? Tamang-tama lang talaga na tawagin silang “King and Queen of Theme Songs”.

Bukod sa magagandang kanta, pasabog din ang guests nina Erik at Angeline sa kanilang concert. Imagine, muli nilang napagsama in one stage ang Concert King na si Martin Nievera at ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.

May production number si Angeline with Regine at meron din si Erik with Martin. Hindi lang kami sure kung kakanta silang apat na sabay-sabay.

Para nga pala sa tiket ng Erik Santos and Angeline Quinto at the Araneta Coliseum, tumawag lang sa Ticketnet sa 911-5555 or log on to www.ticketnet.com.ph.

La Boka
by Leo Bukas

Previous articleJulie Anne San Jose, pinaghihirapan daw niya ang pagpayat
Next articleAi-Ai delas Alas, tinutulungan lang si Jiro Manio para sa publicity?

No posts to display