Angeline Quinto kumpirmadong 5 buwang buntis

Leo Bukas

LIMANG buwang buntis ang singer-actress na si Angeline Quinto courtesy of her her non-showbiz boyfriend.

“Yes, 5 months at ang sabi sa akin lalaki kasi may common friend kami ni Angeline nag-tsika sa akin na 5 months na preggy sa isang non-showbiz,” pagkumpirma ni Ogie Diaz sa kanyang vlog.

Angeline Quinto kumpirmadong 5 buwang buntis
Angeline Quinto

Ang balita pa, sa Amerika raw manganganak si Angeline at posibleng magtagal siya sa US. Ito na kaya ang hudyat ng pansamantala niyang pamamahinga sa showbiz?

Anyway sa interbyu naman ni Boy Abunda ay inamin din ng singer na totoong limang buwan na ang kanyang pagbubuntis.  Totoo rin daw na lalaki ang magiging panganay nila ng boyfriend.

Tila iwas naman ang singer na i-reveal ang tunay na identity ng kanyang non-showbiz boyfriend. Halatang gusto niyang gawing pribado ang kanilang relasyon.

Ang ilang balita lang na nahalungkat namin, do’n nga sa Amerika manganganak si Angeline dahil doon naka-base ang ina ng boyfriend niya.

Samantala, kahit limang buwan na ang ipinagbubuntis ni Angeline ay tuluy-tuloy pa rin ang kanyang trabaho. Katatapos lang magpunta ng singer sa Dubai para sa Expo Dubai 2020 show kasama ang ilang Kapamilya singers.

 

Previous articleAJ Raval ipapatanggal ang silicone implant na inilagay sa boobs
Next articleVLOG WATCH: Jessy Mendiola’s Hot Boracay Birthday Trip! (Lucky is sooo lucky!)