Angeline Quinto, Kim Chiu, Kathryn Bernardo at iba pa, mga retokada?

ADVERTISING

Angeline Quinto, Kim Chiu, Kathryn Bernardo at iba pa, mga retokada?

Angeline-Quinto Kathryn-Bernardo Kim-ChiuSA SHOWBIZ, hindi na bago sa mga artista na dumaan sa pagpuna ng kanilang mga itsura. Kadalasan sa hindi, kung masyadong maganda ka, pinagdududahan kung “Salamat Dok” ang beauty mo o talagang tunay na kahit ikiskis sa urian ay lalabas na genuine ang gandang ‘yun.

Ang ilong na pinagdududahan na masyadong perfect, kapag takot ka na galawin at ibaling pakaliwa’t pakanan, asahan mo, sasabihin ng marami, gawa ni Dra. Vicki or kung sino mang salamangkero ng pampaganda at nagpapaganda.

Sa isang online blog, ibinuking (aminin man ng mga taong concern o hindi) na ipinaayos nila ang parte ng kanilang katawan o mukha, at naglista ng 10 celebrities na duda nila’y dapat magpasalamat sa mga doctor ng kagandahan at pagreretoke.

Una sa listahan ay si Angeline Quinto. Sabi sa report, naparetoke ng kanang ilong at maging ang kanyang balat. Pumangalawa si Kim Chiu na ipinaretoke ang ilong, chest (dibdib)at mata na puwedeng pagdudahan dahil kumpara sa dating picture ni Kim noong Manalo siya sa PBB Teens ay ang laki ng ipinagbago ng itsura niya.

ADVERTISING

Pangatlo si Heart Evangelista na diumano’y nagpaayos ng kanyang cheek bone, dibdib (para magkaumbok) at ilong. Pang-apat si Regine Velasquez na kung ikukumpara mo ang dating itsura niya, nabago ang kanyang ilong at skin tone (acid wash bang tawag du’n?).

Panglima ay ang beauty queen na si Yvethe Santiago na reigninhg title holder ng Bb. Pilipinas Supranational na ang ilong diumano ay ipinaayos.

Sinundan naman teen pop sensation na si Kathryn Bernardo na ang ilong ay pinagdudahang dumaan sa siyensya. Pampitong pinagdududahan na nagparetoke ng kanyang face shape ay si Kris Bernal ng Kapuso Network. Si LJ Reyes na kaliga ni Kris ay napa-retoke rin diumano ng kanyang katawan matapos itong manganak pero until now ay todo deny ito.

Pang-siyam na in question na hindi genuine kung ano man ang nakikita ng publiko sa kanya ay itong si Toni Gonzaga na nagpapasalamat diumano kay Dok sa kanyang ilong at boobs.

Pangsampu ay ang beauty queen na si Mary Jean Lastimosa na kung ikukumpara mo ang kanyang then and now photo; ang ilong niya ang in question na ipinagawa kay Dok na kuntodo deny naman ang dalaga.

Para sa akin, oks lang at walang masama kung nagparetoke man sila at dumaan muna sa operasyon ni Dok kung ito naman ay makatutulong or maka-enhance sa kagandahan nila.

Aminin man nila o hindi na ang mga parte ng katawan nila at mukha ay totoo at genuine (kesehodang ang laki ng ipinag-iba ng kanilang mga itsura kung pagbabatayan mo ay ang mga “then and now” photos nila, bahala sila basta ang litrato ng dating itsura nila ay ‘yun ang totoo at magsasabi ng totoo.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING