Angeline Quinto, itinanggi na pera lang ang habol ng nobyo sa kanya

FOR THE FIRST TIME ay sumama sa vlog ng Kapamilya singer/actress na si Angeline Quinto ang kanyang nobyo na si Nonrev Daquina, ang kanyang current partner at ama ni Baby Sylvio.

Dahil marami ang nabigla nang ibinalita noong ibinunyag ni Angeline na siya ay buntis, hindi maiiwasan na marami ang nagdududa sa intensyon ng kanyang mystery partner, na ngayon nga ay lumabas na rin sa wakas a vlog channel ng new momshie.

Angeline Quinto, itinanggi na pera lang ang habol ng nobyo sa kanya
Nonrev Daquina and Angeline Quinto

Isa sa mga assumptions ng madlang pipol ay baka raw ‘pineperahan’ lang ni Nonrev ang girlfriend.

“Ako talaga yung pineperahan dito,” nahihiyang sagot ni Nonrev, na halatang hindi sanay na nasa kanya ang spotlight.

Paliwanag naman ni Angeline, “Hindi ako pineperahan ni Nonrev. Ako yung namemera sa kanya. Totoo ‘to.”

“Kasi wala akong GCash, wala po akong GCash dito sa phone ko. So every time magkukulang yung pera ko pambayad sa Grab, sa kanya ako nakikiusap. Magugulat na lang ako, nakalista lahat. Sinasabi ko sa kanya na babayaran ko naman talaga yun kasi hinihiram ko talaga,” sambit pa niya.

Ang peak daw nito ay noong naglilihi si Angeline at maraming food cravings.

“Nung buntis ako, ang dami kong gustong kainin. Ang dami talagang moment na madaling araw, wala talaga akong cash. Yung GCash niya, ubos na. So from bangko niya, magta-transfer pa siya sa GCash niya para lang makapagbayad,” lahad pa niya.

Ayon kay Angeline, ‘give and take’ ang kanilang relasyon.

“Para lang malinaw sa inyo ha, hindi ako pineperahan nito. Ako pa yung namemera sa kanya. Bigayan naman kaming dalawa. Kapag meron naman siyang gusto at kaya ko namang bilihin, binibigay ko naman. Pero wala namang moments na namemera. Wala naman pong ganun. Kung sakaling gawin niya sa akin yun, bahala na siya,” she said.

 

Sa vlog din mismo ibinunyag ni Nonrev na apat na ang kanyang anak. Ang unang tatlong anak na babae ay mula sa dalawang ex-girlfriends habang pang-apat naman ang anak nila ni Angeline.

Nang tanungin kung ipapakilala ba niya si Baby Salvio sa tatlong ‘ate’ nito, “Siyempre. Very soon naman yun. Siyempre mas gusto ko kapag nakilala mo sila, makikilala din ni Sylvio yung mga ate niya.” pagtatapos nito.

 

Previous articleAndi Eigenmann, happy to live her childhood ‘surfing dreams’
Next articleThings You Didn’t Know About McCoy De Leon