Angeline Quinto, ikinuwento ang pagpapakatanga sa pag-ibig

ADVERTISING

Angeline Quinto, ikinuwento ang pagpapakatanga sa pag-ibig

Angeline Quinto
Angeline Quinto

Two years ago ay may kaganapan pala sa buhay pag-big ni Angeline Quinto (na hindi ko man lang namalayan at naramdaman, huh!).

Kuwento niya sa grand presscon ng bago niyang pelikula na “That Thing Called Tanga Na” na produce ng Regal Films sa direksyon ni Joel Lamangan, ang daming hugot sa buhay niya noong mga panahon na ‘yun na hindi niya alam kung papaano niya ireresolba o aayusin, dahill nga fist timer si Angge sa usaping pag-ibig.

Dahil close siya kay Vice Ganda, sa komedyante siya lumapit at nagtanong. “Siya lang kasi ang kakilala ko na p’wede kong hingan ng advice,” sabi ni Angge.

“Iyak ako nang iyak kay Vice,” pagbabalik-alaala pa ni Angge na ikinuwento niya sa presscon ng pelikula niya.

ADVERTISING

Dahil sa pamilya ni Angge kaya siya nakipaghiwalay sa dating boyfriend, na dahil na rin sa kabisihan sa trabaho ay nagkaroon sila ng problema ng non-showbiz BF niya. Ang lalaki’y pumasok sa buhay pag-ibg ni Angeline bago dumating si Erik Santos si kanya.

Kuwento ng singer na tawag ni Direk Joel ay “babaeng bakla” tungkol sa naging ending ng relasyon nila nu’ng lalaki: “Medyo nagkaroon ng problema dahil naging busy ako sa trabaho ko. Pinagselosan lahat.”

Pagkatapos nu’ng lalaking non-showbiz na ayaw nang banggitin pa ni Angge ang pangalan, “Si Erik na ang naging malapit sa akin. Siya po ang nagpaintindi sa akin na nagpakatanga ako. ‘Yun lang, ‘yung mga panahong ‘yun, siguro dinaan ko na lang sa mga awitin ang mga sama ng loob ko.”

Pero sa kabila ng may konting differences sila ni Erik na nag-iisang lalaki na napakalapit sa kanya, hindi pa handa si Angeline na pasukin ang buhay may-asawa.

“Si Erik po kasi, gusto nang mag-asawa. Kasi nga, ilang taon na siya. Kapag pinag-uusapan namin ‘yun, very vocal naman ako na wala pa ako sa sitwasyon na ganu’n.”

Si Angeline, hindi pa ready na magpakasal. “Lagi ko namang sinasabi kay Erik na hindi ko po kayang pasamain ang loob ng nanay ko. ‘Yung mama ko kasi, everytime na nakikita niya kami ni Erik na lumalabas sa TV, ang daming tanong sa amin kapag umuuwi ako ng bahay – kung kami na ba talaga, kung mag-aasawa na ba talaga ako?” na para kay Angge ay ayaw niyang magkaroon sila ng tampuhan ng ina.

Kaya for now, enjoy lang muna siya sa kanilang “special friendship” ni Erik at ang kasal ay malayo pa marahil sa isip ng singer.

Kuwento nga ni Angeline, “‘Yung nalaman pa nga lang ng mama ko ‘yung tungkol kay ‘Nay Susan, alam ko na ang sama ng loob niya sa akin, ‘yung tampo. What more pa po kung ilalagay ko na ang sarili sa ganu’ng sitwasyon, ‘yung mag-aasawa na ako?” sabi ni Angeline.

Sa huling pelikula ni Angge na “Beauty in the Bottle” with Angelica Panganiban and Assunta de Rossi, aliw kami sa klase ng acting niya.

Lalo na sa bagong obra ni Direk Joel, nang mapanood namin ang trailer ng “That Thing Called Tanga Na”, swak na swak kay Angge ang role niya as Shirley na isang trying hard singer.

I’m sure, maaaliw kayo sa pelikula at sa karakter ni Angeline kapag napanood n’yo na ang beking-feel good movie sa August 10.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING