Angeline Quinto, hinihintay lang si Erik Santos na magtapat ng pag-ibig

ADVERTISING

Angeline Quinto, hinihintay lang si Erik Santos na magtapat ng pag-ibig

Erik-Santos-Angeline-QuintoDATI, KAPANSIN-PANSIN ang panlalamig sa samahang Erik Santos at Angeline Quinto, kung saan halatado sa mga duets ng dalawa na parang may pader na nakapagitan at nag-iiwasan ang dalawa. Ngayon, mukhang naayos na ang kung anuman ang naging problema nila.

ADVERTISING

Sa nakaraang live show ng singer, ang “Angeline Quinto Sings Themes From Sana Bukas Pa Ang Kahapon” na ginanap sa 19 East Bar and Grill nu’ng July 3, nawala na ang pagkailang at balik na muli ang sweetness nina Erik at Angeline nang mag-duet sila sa awiting Forever.

Nang ipakilala nga ni Angeline si Erik ay sinabi nitong, “Ang taong aking pinakamamahal.” Isa kami sa nagulat dahil mukhang senyales ito na bukod sa natuludukan na ang ‘di nila pagkakaintindihan noon, mukhang nag-level up na ang kanilang samahan.

Sa interview nga sa The Buzz sa Star Champion, nasabi nito na nag-I love you na sa kanya ang singer at sinagot naman niya ito ng I love you. Mukhang ang hinihintay na lang ni Angeline ay pormal na magtapat sa kanya si Erik at agad naman ay sasagutin naman niya ito.

ADVERTISING

Nang tanungin kung ano ang nangyari sa non-showbiz guy na nanliligaw sa kanya, ayon kay Angeline ay ‘di niya ito sinagot at ang rason ay si Erik. Ito ang lalaking balitang pinagselosan daw ni Erik at naging rason ng panlalamig nito kay Angeline.

Sa interview nga namin noon ng singer ay inamin nito na dumistansiya siya kay Angeline, napag-usapan nila ito pareho pero kung anuman ang dahilan ay mas mabuting sa kanila na lang.

Kung blooming ang lovelife, blooming ding masasabi ang singing career ni Angge, tinaguriang Queen of Teleserye Theme Songs at ang kauna-unahang Filipino singer na umawit ng lahat ng kanta sa isang teleserye album, ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon, kinanta lahat ni Angeline sa kanyang live show sa 19 East bar ang lahat ng kantang nakapaloob sa kanyang album.

Samantala, maaari pang makasama si Angeline sa live show niya sa nasabing bar mula Hulyo 3 hanggang Agosot 21 (Hulyo 10, 17 at 31, at Agosoto 7, 14 at 21). Ang entrance fee P500, at ang show ay sa produksyon ng Star Records, Cornerstone at Dreamscape Entertainment TV. Ito ay may kasama ring kopya ng album.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING