Angeline Quinto, goal maging hands-on working mom

PARANG kailan lang nanganak si Angeline Quinto. Now, she’s back to work!

Bumisita ang Kapamilya diva sa morning talk show na Magandang Buhay with the momshies. Dito ay inilahad ng talented singer na gusto niya maging hands-on working mom kahit na alam niya na hindi ito magiging madali.

Angeline Quinto, goal maging hands-on working mom
Angeline Quinto

“Alam natin na hindi magiging madali ang lahat, pero pangarap ko na maging isang mabuti na hands-on na working mom para kay baby Sylvio,” sambit ni Angeline sa programa.

“Saka pangarap ko rin na wala akong ma-miss sa mga milestone ni Sylvio, like ‘yung first words na babanggitin niya, even ‘yung unang pasok sa school, graduation, unang pagdapa. At saka siguro kahit first love at first heartbreak niya ay hindi ko ma-miss,” aniya.

Inalala din ni Angeline ang unang pagkakataon na nasilayan niya ang kanyang baby boy.

“Simula nang dumating sa buhay ko ang anak ko na si baby Sylvio mas naging inspired ako ngayon. Alam ko na hindi magiging madali pero siyempre bilang nanay ay kakayanin nating lahat para sa anak natin,” isplika ng new momshie.

Just last month ay bumirit na agad si Angeline sa ASAP Natin ‘To and that’s just a month pagkatapos niya manganak! Bumalik na rin ito bilang isa sa mga hurado ng ‘Tawag ng Tanghalan’ sa It’s Showtime. May niluluto na rin ito na concert tour sa US at Canada.

Angeline Quinto, how to be you po?!

Previous articleKPOP Album Review: Manifesto Day 1 by Enhypen
Next articleFans ng KathNiel, kinilig ng todo sa ‘accidental kiss’ sa ‘2 Good 2 Be True’