Angeline Quinto, enjoy raw katrabaho ang istriktong direktor na si Joel Lamangan

ADVERTISING

Angeline Quinto, enjoy raw katrabaho ang istriktong direktor na si Joel Lamangan

Angeline Quinto
Angeline Quinto

Ang award-winning director na si Joel Lamangan ang katrabaho ni Angeline Quinto sa pelikula ng Regal Films na “That Thing Called Tanga Na” which will be shown on August 10. Ayon sa singer-actress, nag-enjoy siyang katrabaho ang direktor kahit pa napakaistrikto ng reputasyon nito sa showbiz.

ADVERTISING

“Si Direk Joel, sobra akong nag-i-enjoy sa kanya. Never niya akong nasigawan. Never niya akong pinagalitan,” kuwento ni Angeline Quinto.

“Kung meron man po akong hindi naiintindihan o hindi ko magawa nang maayos sa pag-arte, tinutulungan niya ako agad. At least, mas napadadali, nagagawa ko agad kung ano ‘yung gusto niyang gawin ko,” dagdag pa niya.

Ayon naman kay Direk Joel Lamangan, pinuri niya si Angeline dahil magaling daw ang timing nito sa comedy. Ano ang reaksyon niya rito?

ADVERTISING

“Ah, siguro sa totoong buhay ko po kasi, ‘di ba, mahilig din lang akong sumagot ng pa-comedy lalo na ‘pag si Ate Vice (Ganda) ang kasama ko. So, ina-apply ko lang din ‘yon sa role ko sa dalawang movies na ginagawa ko nga.

“Saka si Direk Joel, magaling din siyang magturo talaga. ‘Yung mga hindi ko naiisip, naiisip niya na agad, so ibinibigay niya lang sa akin, ako lang ‘yung aarte n’yon,” rason pa niya.

Kasama ni Angeline sa “That Thing Called Tanga Na” sina Eric  Quizon, Martin Escudero, Kean Cipriano, Billy Crawford, at marami pang iba.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING